Hello, kumusta ka?
Tapos ka na bang mag-module? O baka naman stress ka na?
Enjoy reading, nagsusulat nga pala ako para sa inyo!
I Pink You'll, PINKFAM<3
Mwah!!!
___________________________________
Chapter 39: Sunday's Bonding
Pearl's Pov
"Ahy oh, ang ganda pa rin kahit na natutulog!" Napa-balikwas ako dahil sa boses na iyon.
"Kaya nga, iba ang alagang Dwight!" boses naman ni Bianca.
"Eww, anong alagang Dwight? Alagang Xander yata 'yan 'no." Ayan at nagtatalo na naman po sila.
Inayos ko muna ang buhok ko bago umupo ng maayos. Nasa kama ko na pala sila nang hindi ko man lang namamalayan. "Oh, ano naman ang ginagawa niyo rito? Kay-aga aga, ang iingay niyo!" Kinukusot ko pa ang mga mata ko kasi kagigising ko nga lang at wala pa sana akong balak na bumangon. Napuyat ako dahil kay Xander kagabi. Nag-kwentuhan pa kasi kami bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Past ten na nang matulog ako. Sobrang haba ng usapan namin kagabi.
"Tumawag sa amin si Tita kanina, ang sabi niya, sasamahan ka daw namin na mag-simba." si Whiskey.
Oo nga pala, may usapan kami na mag-sisimba ngayon. Kaso late na ako nagising, sana nama'y hindi pa tapos ang misa.
"Eh asan siya?" Kinuha ko ang phone ko sa side table dahil baka may text sa akin si Mom or baka may notes siya sa akin.
Ang tagal ko naman kasing nagising eh!
"Anak, sila Whiskey at Bianca na lang muna ang sasama sayo para mag-simba, i am sorry, may trabaho si Mommy ngayon. Bawi na lang ako next time, enjoy and ingat ka, i love you!" iyan ang text sa akin ni Mom.
Ang sweet nang Mommy ko 'no, imbes na gisingin ako para mag-paalam, nag-text na lang sa akin para hindi maabala ang tulog ko.
I couldn't help but to smile...
"Ahy ang sweet ni Mader!" komento naman ni Whiskey.
"Aba'y sana all na lang!" natatawang saad naman ni Bianca.
Wala ba silang mga nanay para mainggit sa akin? May kaniya kaniya kaya silang nanay ano!
"Oh siya sige, maliligo na ako, riyan lang kayo ah!" paalam ko sa kanila bago nag-tungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.
***
I was wearing a white off shoulder floral dress, at hinayaan kong naka-lugay ang buhok ko na hanggang baywang. Suggest pa iyan ng dalawa dahil simbahan daw ang pupuntahan namin at hindi sa birthday party.
"Ang tagal, ang rami nang dumadaan na taxi pero hindi pa rin tayo sumasakay, ano ba hinihintay natin? Next life?" inis na tanong ko sa kanila.
Nasa sampo na kasi ang taxi na tumigil sa harap namin, pero hindi pa rin kami sumasakay.
"Chillax ka lang riyan, may hinihintay pa tayo!" wika ni Whiskey habang pinapaypayan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
TeenfikceMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
