Chapter 76

8 5 10
                                    

Chapter 76: Priest

Pearl's Pov

Siguro ilang segundo rin ang lumipas bago siya umiling. "May mas nauna pa sayo, at siya ay ang Mama mo!"

Literal na napanganga ako sa sinabi ni Lola, totoo ba 'to? O baka prank na naman.

Ginayuma rin ni Mom si Dad? Pero bakit iniwan pa rin ni Dad si Mom?

"Mali po yata kayo, hindi po totoong mahal ni Dad si Mom kasi iniwan niya po kami." kaunting boses na lang ang mayroon ako dahil ilang saglut na lang ay parang babagsak na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Bakit feeling ko, ang raming tinatago sa akin ni Mom?!

"Mahal... Hmm, iba ang mahal sa minahal. Wala kang magagawa kung tadhana ang kumilos hija. Minahal ng Dad mo ang Mom mo noon kahit na may gayumang involve, pero mukhang hindi sila ang para sa isa't isa. Dahil kung kayo talaga, walang makakahadlang sa pagmamahalan ninyo, don't push yourself into someone kapag hindi ka niya mahal, hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa. That's the purpose of tadhana." mahaba na naman niyang saad.

Bakit ang raming revelations na nailabas? I mean, hindi ko inaasahan na puno pala ng kasaysayan ang pamilya namin. And hindi nakakatuwa ang bagay na iyan kasi feeling ko, walang tiwala si Mom sa akin.

Hindi pa rin ako kumikibo at nanatili lang na nakayuko. Feel ko parang babagsak na ang mga luha ko. Nag-se-self pity na naman ako, na parang walang tiwala sa akin si Mom... Kaya hindi niya sinabi na may alam pala siya ukol sa libro.

"Hija, huwag kang magalit sa Mom mo. Hayaan mo muna siyang mag-explain. Tandaan mo na everything happens for a reason!" tama, hindi ko muna i-ja-judge si Mom kasi hindi ko pa naman alam ang side niya. Pero hindi ko pa rin matanggap na parang walang tiwala sa akin ang sarili kong ina.

Pinatid ko ang mga luhang kumawala na pala ng hindi ko man lang namamalayan. "Sige po, mauna na ako!" pagpapa-alam ko.

Tumalikod na ako pero bahagya akong napatitig sa kaniya na ngayo'y naka-hawak na pala sa braso ko. "Hindi mo ba 'to kukunin?" iyong libro ang tinutukoy niya.

"Sa inyo 'yan pinagkatiwala ng Lola ko kaya kayo na po ang bahala riyan. Sana'y alagaan niyo po kagaya ng pag-aalaga ninyo sa pagkakaibigan niyo ng Lola ko." wika ko bago alisin ang kamay niyang naka-hawak sa braso ko. "Mauna na po ako Lola!" pagkatapos ay nginitian ko siya ng pilit na ngiti.

"Sige, kung gano'n hija, hahayaan ko ang librong ito na hanapin ang mabibiktima ng susunod na henerasyon!" seryosong saad niya kaya walang pasubali na naglakad na ako palapit sa pintuan at pinihit iyon hanggang sa mabuksan ko na at nilisan ang lugar na iyon na puno ng pangamba.

Hindi ako nangangamba dahil sa mabibiktima sa susunod na henerasyon, natatakot ako sa maaring i-kwento sa akin ni Mom, lalo na't involve silang pareho ni Dad.

Mabuti na lang at wala sila Whiskey ngayon rito kasama ko, dahil kapag nagkataon na narito sila ngayon, magrereklamo na naman ang mga iyon dahil sa wala man lang taxi na dumaraan.

Hindi ko naman pwedeng istorbohin si Dwight para sunduin ako dahil natitiyak ko na tulog pa ang isang 'yon dahil napuyat kagabi.

Naglakad na lang ako at sakto namang may nakita akong coffee shop kaya tatambay muna ako ro'n. Kailangan kong i-refresh ang isip ko.

Pagkapasok ko, namangha ang aking mga mata dahil sa desenyo nito, ang ganda kasing tingnan. Puno ng dekorasyon na mula sa mga plastik na baso ng kape. At dahil sa coffee lover ang Ate niyo, tiyak na titikman ko ang kape nila rito.

"Ma'am, ano po ang sa inyo?!" palinga linga pa ako pero natigilan rin ako nang makalapit sa akin ang isa sa mga waitress nila.

Tumingin naman ako sa menu tsaka tinuro ang Cappuccino sa kaniya. Malaking baso ang in-order ko, hindi kasya sa akin ang maliit na baso lang.

Fake Love Spell (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon