Chapter 17: Curious
Pearl's Pov
Pagka-uwi namin ay nag-ayos muna ako nang mga pinamili ko sa kusina. Umuwi na sila Bianca at Whiskey kasi hapon na rin naman.
Wala pa si Mom, and as usual, baka busy na naman 'yon sa trabaho. Madalas na rin kasi siyang nag o-over-time ngayon. Which is hindi naman niya ginagawa rati.
Alam ko na pagod si Mommy pagka-umuwi na siya kaya naisipan ko na mag-luto para sa dinner namin.
Nag-hiwa na rin ako ng manok dahil mag-luluto ako ng adobo. Favorite ni Mom iyon.
Natuto ako kay Mom kung paano mag-luto ng adobo. Early fifteen, tinuruan na niya ako kung paano mag-luto. Kaya ngayon naman ay nahihilig rin ako sa pagluluto. Madalas rin akong manood ng mga recipes para lang maka-imbento ng pagkain na bago sa aking panlasa.
And at the same time, may mga libro rin ako na ang nilalaman ay tungkol sa mga pagkain at special cuisine ng mga famous na chef.
Sinimulan ko na ang paglu-luto. Sanay na akong mag-luto mag-isa kaya wala naman akong struggle na kinaharap nang magsimula na ako.
Inilipat ko na ang adobo sa bowl. Ngunit natigil ako dahil may nag-door bell.
"Si Mommy na siguro 'yon..." Wika ko sa aking sarili habang tumatakbo palabas ng bahay para pag-buksan siya ng gate.
Nang mabuksan ko na ang gate ay agad na nilapitan ko si Mom para yakapin. "Oh anak, may problema ba? Ang sweet mo naman yata ngayon?" Sunod sunod na tanong ni Mom sa akin habang nakayakap pa rin.
"Wala naman po, na miss ko lang po talaga kayo." Wika ko habang naka-yakap pa rin sa kaniya.
"Niluto mo 'to para sa akin anak? Paborito ko pa talaga ah!" Sabi naman ni Mom habang nagsasalin ng kanin sa kaniyang plato. "Yes po! Ano po ang silbi na tinuruan niyo po ako sa pagluluto kung hindi ko rin lang po kayo mapaglulutuan." Sagot ko naman sa kaniya.
Nasa kusina na kami at kasalukuyan nang kumakain.
Nakakataba ng puso kapag nakikita ko na naka-ngiti si Mom. Ayoko na nasasaktan at nahihirapan siya kaya lahat ng bagay na makakapagpa-saya sa kaniya'y pilit ni ibinibigay ko.
Nang sa gano'n ay maibsan naman ang bigat na pinapasan niya sa kaniyang balikat para lang mairaos ang mga pangangailangan ko.
"Anak, salamat ah, you made my day!" Sabi pa nito habang naka-hawak sa isa kong kamay.
"Kung tutuusin nga po'y ako pa ang rapat na magpa-salamat sa inyo kasi lahat po ng kailangan ko'y binibigay ninyo." Marahan kong pinisil ang kamay ni Mom.
Sa tuwing pinag-mamasdan ko ang aking ina ay naiisip ko kung bakit ipinagpalit siya ng walanjo kong ama. Isn't she pretty? Para ipagpalit siya ng ganoon? Babae rin naman ang nanay ko ah. Ano ang kulang sa kaniya kung kayat pinag-palit siya sa kapwa niya babae? My Dad don't deserve us, hindi siya gold para habulin pa namin. Kung ikukumpara mo siya sa mga ibang ama, mas better pa sana kung iba ang naging ama ko. Period!
"No! Rapat lang naman na ibigay ko kung ano ang mga kailangan mo. Isa 'yan sa reponsibilidad ng mga magulang, ang ibigay lahat ng pangangailangan ng anak. Kaya, you don't need to say thank you!" Ang sarap sa mata na makitang naka-ngiti si Mom. Deserve ng nanay ko na maging masaya palagi.
Marahan na pinisil niya ang aking kamay. "Tama na po Mom, kain na lang po tayo," I chuckled.
"Oo nga, ang sarap pa naman ng niluto ng anak ko. Deserve mataasan ang allowance." Literal na natuwa ako.
"Mom, talaga po?" Sabi ko with matching smile pa 'yan.
"Yes, deserve mo naman eh! And nga pala anak, thank you sa pag-punta sa grocery store ah, hindi sana ikaw ang nag-punta roon kung hindi lang ako busy." Wika niya habang nag-hihiwa ng ulam gamit ang kutsilyo na pang-hiwa ng mga karneng ulam.
Tumayo naman ako, at dahil nga sa pagka-excite na mataasan ang allowance ko, na back hug ko tuloy si Mom. "Mom thank you and i love you!" Sabi ko then i kissed her one cheek.
"You're welcome!" Wika niya tsaka hinaplos ang aking buhok habang naka-back hug pa rin sa kaniya.
Naka-ngiting ibinagsak ko ang aking sarili sa kama ko.
Every time na kasama ko si Mom na kumain, nagiging espesyal ang pagkain namin kahit na simple lang naman talaga iyon. Ang saya lang kasi, nagkaroon ako ng nanay na katulad niya.
Nag-bago ang guhit ng mukha ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Medyo weird nga iyong matanda. Medyo creepy pero at the same time, nakaka-curious rin ang mga tinuran niya. Tungkol roon sa book of love spell.
Dahil nga sa pag-iisip ko roon sa librong 'yon, napatayo tuloy ako at dinala ng mga paa sa library nitong k'warto ko. Matagal na rin ang library na ito. Simula bata ako, na-create na ito para sa akin. Sad to say, nagtulungan ang parent's ko sa pag-create ng library na 'to. Madalas, nararamdaman ko na safety place ko ang library na ito. Dahil nga sa bookworm akong tao, nahahanap ko ang kaligayahan sa pagbabasa ng mga libro.
"Ano ba talaga ang mayroon sayo?" Tanong ko sa librong hawak ko na as if nama'y sasagot sa akin anytime.
Sandali ko itong binuklat, bumungad naman sa akin ang mga pahina nito na nilalaman ang mga sangkap sa paggawa ng mga love spell's.
"Hindi ka naman yata totoo, kasi kung sakaling totoo ka, gagamitin kita para mapa-ibig ko si Dwight." Sandali akong napa-isip sa sinabi ko.
Totoo ba talaga na gagamitin ko 'to kay Dwight kung sakaling gumagana nga? "Pero hindi..." Umiling iling ako.
"Ayaw kitang gamitin kay Dwight kasi mali 'yon, hahayaan ko na lang kung kailan ba siya mahuhulog sa akin." Kung may ibang tao na makakakita sa akin, siguro iisipin nila na hibang na ako dahil kinakausap ko ang isang libro. Baka sabihin nila na hindi lang ako isang bookworm kung 'di isang baliw rin.
"Pero teka nga lang, paano kaya kung subukan kong gumawa ng spell? Para malaman ko kung gumagana ka ba o hindi..." Wika ko na naman.
Curious talaga ako sa librong 'to!
Binalik ko ito sa isa sa mga shelf. Pero at least may bago na naman sa mga collections ko.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
