Enjoy, spread good vibes only!!!
I Pink You<3
Chapter 32: Revealing secret.
Pearl's Pov
"Dwight..." his respond na nakapagpa-laglag ng panga ko.
Paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang bagay na iyan. Kaya pala, kaya pala hindi niya kayang tumingin sa iba kasi may hinihintay siya. Mahal nga niyang talaga ang babaeng iyon.
Ang lakas ng epekto sa akin ng bagay na iyon, naka-uwi na ko't lahat ngunit hindi pa rin maalis sa aking isipan ang napag-usapan namin ni Kier. I just wanted to moved on pero, heto na naman ako, nagsisimula na namang mangamba. I mean, wala naman talaga sana akong karapatan na mag-react kasi wala namang kami, at kahit kailan hindi magiging kami, mabuti pa nga iyong Jaynie kasi may pinagsamahan silang dalawa. Siguro, ang raming memories na na-keep nilang dalawa. SANA ALL!
I feel that my heart aches, and for pete's sake, its hurt, its really hurts!
Gabi na pero pinili ko pa rin na bumili ng cake sa bakery store. Ewan ko ba pero bigla na lang akong nag-crave sa cheesecake. Wala kasi kaming stock sa ref kaya napilitan tuloy akong lumabas. Mabuti na lang at wala pa si Mom kaya malaya akong naka-labas ng bahay sa ganitong oras. Past 7:00 na rin kasi, kaya literal na madilim na ang paligid.
"Manong para po!" wika ko sa isang taxi kaso hindi siya tumigil. May pasahero kasi, baka may limitations lang ang mga sumasakay.
Siguro nasa sampung minuto na akong nag-hihintay ng taxi. Baka hindi na ako maka-uwi!
Minsa'y napapa-padyak na lang ako kasi may mga lamok na kumakagat sa aking hita. Naka-short lang kasi ako tapos t-shirt na medyo mahaba.
"Para po..."
"Pasakay po ako..."
"Kuya, para po..."
Wala na talagang pag-asa pa na maka-uwi ako sa bahay.
"Ano ba 'yan, wala pa pala akong load." inis na sabi ko sa aking sarili habang binabalik ang phone sa dala kong mini back pack.
Maglalakad na sana ako para mag-hanap ng store na pwedeng bilhan ng load kaso may narinig akong parang sumisigaw. Ahy mali, parang nagrarambulan!
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay na iyon, at tama nga ako nang makita ko ang limang kalalakihan na binabanatan ang mag-isang lalaki na naka-lupasay na sa sahig.
Kawawa naman siya!
Nag-tago ako sa pader kung saan hindi nila ako makikita, mahirap na baka idamay pa nila ako sa rambulan nila, hindi pa ako handang mamatay!
"Don't fvcking touch my Girl, or else you will regret!"
Napa-mulagat naman ako sa aking narinig. That voice is familiar to me.
"Dwight..." wala sa sariling sambit ko habang kagat kagat ang pang-ibabang labi ko.
Iyon lang ang paraan ko para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa aking mga labi.
Yeah, i admit it na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. I badly want to moved on but, it's hard, knowing na ganito ang sitwasyon niya, kailangan ko siyang tulungan!
"Regret daw? Haha gago ka ba? Paano na lang kung patayin ka namin ngayon? O iyong babaeng tinutukoy mo na lang? Bilang kabayaran sa pangga-gago niyo sa amin, lahat ng kasamahan mo sa gang?!" Laglag panga ako habang naka-tingin sa kanila.
Si Dwight? Part ng gang? How come? Bakit?
Parang hindi ko na yata kaya na panoorin pa ang mga susunod na mangyayari.
Akma na akong tatalikod kaso natigil ako dahil nag-salita na naman siya. Nagsasalita pa, hirap na nga eh!
"Don't fvcking touch her, or else you will see the real face of hell!" matapang na saad nito sa kaniya.
Nagtawanan lang ang mga kalalakihan bago siya sipain isa isa at iniwan roon na naka-lupasay.
Sino kaya iyong pinagtatanggol niyang babae? Baka si Jaynie, halata naman kasi na minahal niya talaga ang babaeng iyon.
Tumalikod ako at humakbang ng isang beses. "Ikalma mo lang Pearl, huwag mo ng abalahin ang sarili mo, may ibang tao na tutulong sa kaniya kaya umuwi ka na lang mas mabuti pa." pagkausap ko sa aking sarili.
Napahigpit naman ang kapit ko sa hawak kong plastic bag.
Hahakbang na naman sana ako kaso narinig ko ang pag-daing niya. And at last, i finally found myself na nasa tabi na niya habang tumutulo ang mga luha.
Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sa puso na makita siya sa ganitong kalagayan? Ang mas nakaka-shock pa'y member siya ng isang gang? How come?
"Dwight? Tara na iuwi na kita sa bahay niyo, saan ba ang bahay ninyo?" pagka-usap ko sa kaniya habang naka-tingin sa akin ng diretso ang dalawa niyang mata.
Wala na, wala na ang plano na iwasan ko siya. Nabali na naman!
Matanong nga lang, naglalaro na naman ba si tadhana?!
"P-pearl? Did you heard something?" malumanay na tanong niya sa akin.
Natahimik naman ako saglit bago sumagot sa kaniya. "Hindi na mahalaga kung ano ang narinig ko. Ang mahalaga, maiuwi kita sa inyo, kailangan mong magpa-hinga!" Ani ko.
Natahimik lamang siya sa sinabi ko. Bakit Dwight? Bakit isa kang dakilang pa-fall? Kung kailan naman nag-mo-moved on na iyong tao, tapos may ganitong scenery na mangyayari? Ano 'to, joke?
"Sino ba ang mga iyon? Gusto mo bang i-report sila sa mga police? Bawal kasi iyong ginawa nila sayo eh!" wika ko sa kaniya.
Kapwa naka-upo na kami ngayon sa gilid ng kalsada, pinagpahinga ko muna siya, hindi naman kalayuan iyong kotse niya, nasa malapit lang. Alangan naman kasing mag-drive siya, bugbog sarado kaya ang peg niya. Ang rami rin niyang pasa. Kung mayroon lang sana akong first aid kit rito, ginamot ko na iyon kaso wala eh, hindi kasi kasya sa bag ko.
"No need, baka matiktikan pa nila ang mga kasamahan ko, okay lang na mabugbog ako, huwag lang sila!" he said.
Napa-isip naman ako, kasi may side rin pala siya na mas inaalala ang kapakanan ng iba. Ma-fo-fall na naman yata ako sayo, lalo na't nalaman ko na may side ka pa lang ganoon.
"Okay ka na?" bahagya kong tanong sa kaniya. Kanina pa kasi niya pinupunasan ang gilid ng labi niyang pumutok.
"Yeah, cause your here beside me!" nagwawala na naman ang puso ko at ang mga paro paro sa tiyan ko.
Kaso pinigilan ko ang aking sarili na kiligin kasi natural lang iyon, okay na siya kasi tinulungan ko siya kanina. I'm he's hero, iyon lang 'yon, meaningless kung baga!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.