Chapter 75: History
Pearl's Pov
"Grabe naman pala ang love story ninyo. Hindi ako makapaniwala na kayo pa rin pala hanggang sa huli. Tsaka ang isa pa'y hindi ko lang talaga in-expect na si Dwight ang first kiss mo. May boyfriend na ang anak ko!" kanina pa 'yan si Mommy. After kong i-kwento sa kaniya ang lahat tuwang tuwa na siya mula kanina pa.
"Ako rin Mom, hindi pa rin talaga nag-si-sink in sa akin na kami na talaga, wala ng eme, wala ng gayumang involve!" Katabi ko ngayon si Dwight rito sa couch. Inabangan kasi namin si Mom na makauwi para masabi na sa kaniya kung ano ang nangyari ngayong araw. Sobra talaga ang nangyari ngayon, mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi.
Madilim na pero narito pa rin si Dwight sa bahay, pero uuwi rin 'yan mamaya, bawal siya rito sa bahay na matulog. Boyfriend ko na siya pero may limitations pa rin na nakalatag para sa aming dalawa.
"Eh tama nga ang hula ko. Ang hindi ko lang maintindihan noon ay kung bakit kino-consider ka na niya as his girlfriend eh hindi naman ganoon ang effect nang gayuma sa mga napapanood kong nagagayuma sa TV. Kaya agad rin na naghinala ako na baka may pagtingin nga talaga siya sayo. And you remember that day na una mo siyang dinala rito?" tumango naman ako, habang si Dwight nama'y nakahawak sa kamay ko at bahagya pa iyong hinahalikan kapag may pagkakataon. That day is 'yong araw na pinakilala ko si Dwight kay Mom at sabi pa niya na mukhang pamilyar raw si Dwight sa kaniya. "...He looks so familiar to me. Ang sabi ko no'n sa sarili ko'y parang pamilyar talaga ang batang ito sa akin, parang na-meet ko na siya somewhere pero hindi ko lang ma spill kung saan." pagpapatuloy niya sa kaniyang sinasabi.
So may idea na rin pala si Mom noon pero nanahimik lang siya. Well, ako rin naman noon, nagduda pero hindi ko pinagkatiwalaan ang got feel ko.
"Isa lang po ang dahilan kung bakit ko kino-consider ang anak ninyo as my girlfriend noong time na ginayuma niyo ako. Because I love her, she's the only girl na nagbigay ng ngiti sa mga labi ko. Kung hindi niyo nga lang po sana naisipan na gumawa ng palpak na gayuma, baka hanggang ngayo'y hindi ko pa rin na-i-e-express ang pagmamahal ko sa honey ko." malapad pa ang ngiti ng loko habang nagsasalita.
"Oo, palpak ang gayuma pero infairness, na-enjoy niyo 'no? Aminin..." ohh gosh, my Mom teasing us.
"Sobra po Tita, 'di ba hon?!" na kay Mom ang tingin ni Dwight kanina pero bumaling iyon sa akin nang itanong niya kung tama ba ang kaniyang sinasabi. And take note, with matching pakindat kindat pa iyon ah! Ang raming alam!
"Oo na lang..." kahit na sobra pa sa sobra na na-enjoy ko. Indenial ako eh, bakit ba?!
"Asus, inner you baka tuwang tuwa ka pa kasi dumating na si Prince charming mo." ako lang ang hindi marunong mang-asar ah, talong talo na ako!
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling ang atensyon sa paglantak sa burger at milk tea na pasalubong ni Mom para sa akin.
"Pero salamat Dwight ah, hindi mo man lang sinabi sa amin na ikaw pala ang nag-ligtas sa anak ko noong binully siya ng fake ex girlfriend mo. Alam mo ba na hinanap kita no'n sa buong school para man lang makapag-pasalamat sa ginawa mo para sa anak ko, kaso hindi ko nahanap ang nag-ligtas sa anak ko, tapos ikaw lang pala iyon. Matagal mo na pala kaming kilala at matagal ka na rin pala naming kilala." new revelation na naman ni Mom. Talaga ba na hinanap niya ang nag-ligtas sa akin no'n pero hindi niya nahanap?!
"Wala lang po iyon Tita, basta para sa honey ko, i will conquer all!" napangiti naman si Mom sa sagot ni Dwight.
"M-mom? Ngayon niyo lang po yata nabanggit ang bagay na iyan sa akin?!" nilapag ko muna ang milk tea sa coffee table para makapag-focus sa pagtatanong kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Ficção AdolescenteMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.