Hello, kumusta ka?
Pero syempre kung silent reader ka, hindi mo sasagutin iyan. HAHA, Salamat sa pagbabasa ah. Sana'y nariyan pa rin kayo hanggang dulo. (Ang drama, akala mo nama'y magtatapos na!)
Huwag kakalimutang mag-votes, comments at i-share niyo na rin sa mga kakilala ninyo.
I Pink You All!!! Mwa<3
Chapter 28: Meet My Mom
Pearl's Pov
Sobra akong napagod kahapon. Bukod sa mga ginawa ko sa office ng SSG. Nag-exam rin pala kami sa room. Mabuti na lang at nakapag-review ako kahit na kaunti.
Pagkarating ko nga rin pala sa room, inartehan ako ng dalawa kong kaibigan. Alam niyo kung bakit? Dahil hindi daw ako naka-sama sa lunch nila. Ang aarte, pero no'ng naipaliwanag ko naman na sa kanila ang nangyari, naintindihan rin naman nila. Sila pa ba? Supportive bff's yata ang mga 'yon.
Isa pa iyong si Xander, hindi pa nagpapakita sa akin ang loko. Baka nagtatampo rin ang isang 'yon kasi hindi ko pa nga pala nakakamusta.
"Tawagan ko kaya?" tanong ko sa aking sarili habang naka-upo sa couch nitong salas.
Maaga pa naman kaya may oras pa para makumusta ko man lamang siya. Kakatapos ko lang rin mag-luto ng agahan namin ni Mom, and as usual, hindi pa siya gising. Napagod na naman yata sa trabaho. Minsan nga naisip ko na paano kaya kung tumigil na si Mom sa trabaho niya at ako na lang ang gagawa ng paraan para matustusan ang pangangailangan namin pareho. Pero, knowing Mom, hindi iyon papayag, sigurado ako!
Akmang pipindutin ko na ang call button, nang mag ring iyon.
Xander is calling...
"Hello Xander?" panimula ko.
"Pearl? Sunduin kita ah, hintayin mo ako!" saad naman niya sa kabilang linya.
Wala man lang good morning? Diniretso agad ah!
"Sige, kumain ka na?"
"Hindi pa eh, makikikain na lang sa inyo." saad niya habang natatawa.
Mabuti na rin kung pupunta rito si Xander. Matutupad na rin iyong pangako ko na ipapakilala ko siya kay Mom, as a friend!
"Okay lang naman, sige, prepare lang muna ako!" paalam ko sa kaniya.
"Sige, see you!" wika naman niya bago ako babaan ng telepono.
I prepared exact plates, fork and spoon for the three of us. Para naman hindi nakakahiya kay Xander. Baka akalain ng tao na pang-dalawahan lang ang mga gamit rito sa bahay.
Sa wakas, maipapakilala ko na rin ang aking comforter kay Mom.
"Anak? Good morning! Ang aga mo naman yata?" nang makababa si Mom sa hagdan ay humalik siya kaagad sa dalawa kong pisngi.
"Opo Mom, kailangan kong mag-luto ng breakfast for us eh!" hinalikan ko naman siya pabalik sa kaniyang kanang pisngi.
"Masyado mo naman yatang ino-obliga ang mga gawaing bahay anak. Baka it's time na kumuha na tayo ng kasambahay." Umiling naman ako.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.