Chapter 18: The Father
Pearl's Pov
Maaga akong nagising kasi gusto kong mag-luto ng almusal para sa aming dalawa ni Mom. Kinukuha ko na ang obligasyon sa pagluluto. Kawawa naman kasi si Mom kung siya pa ang gagawa ng mga gawaing bahay. Ayaw naman rin namin na kumuha ng maids kasi dagdag gastos pa 'yon. Imbes na pampa-sweldo, pang-budget na lang sa grocery.
Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan rin natin na mag-tipid.
Nag-luto lang ako ng fried rice bilang kanin namin. Sa ulam naman, nag-luto lang ako ng itlog, hotdog at syempre, beef steak. Mga karaniwang almusal lang talaga.
Sandali akong pumunta sa may Refrigerator para ibalik ang mga sobrang pagkain na hindi ko naluto. Nang mabuksan ko ito'y nahagip ng aking paningin ang french fries na binili ko sa grocery store. "Lulutuin ko 'to para kay Xander." Wika ko sa aking sarili habang sinasarado ang refrigerator.
Ang totoo kasi niyan, si Xander ang agad na naisip ko noong makita ko ang french fries na 'to sa gricery store. Favorite kasi niya tsaka pinangako ko rin na bibigyan ko siya nito. Wich is matutupad na kapag naibigay ko na sa kaniya 'to.
Niluto ko nang lahat, as in wala akong tinira. Sabay na lang namin ni Xander na kakainin lahat ng 'to. Masarap rin naman, hindi nakaka-umay!
Nang matapos kong ilagay sa container ang french fries at ang ginawa kong sauce nito'y nilagay ko na sa paper bag.
"Hindi pa bumababa si Mom, tulog pa kaya siya?" Napa-tingin ako sa wrist watch ko. "6:00 Am pa lang naman!" Wika ko tsaka naisipan na mag-timpla muna ng kape para sa aming dalawa.
Nilalagay ko na ang asukal, kape at ang cream sa baso, nilagyan ko na rin ng mainit na tubig para naman matapos na ang pagtitimpla ko. Para kumpleto na ang lahat, nilapag ko na rin ito sa lamesa.
Aakyat na sana ako para tignan kung gising na nga ba si Mom kaso hindi ko na pala kailangan na gawin iyon kasi pababa na pala siya.
"Good morning Mom." Bati ko sa kaniya. Napa-tingala pa ako kasi nasa taas pa lang naman kasi siya ng hagdan.
"Good morning rin anak. Nako, nag-luto ka na naman ng almusal?! Namumuro ka na sa kasipagan niyan!" Wika niya tsaka inayos ang aking school uniform.
"Mom naman, ayoko kasi na kayo pa ang gumawa nang mga ito. Gusto ko, ako naman ang mag-alaga sa inyo. Inalagaan niyo ako when i was a small kid kaya ngayon na dalaga na ako, ako naman ang gagawa no'n for you!" I said to her bago siya ipaghila ng upuan.
"Nako, napaka-bait naman ng anak ko. Sayang, hindi iyon nakita ng Dad mo!" Umiwas ako ng tingin.
"Mom? Kain na lang po tayo, baka kasi ma late pa tayo pareho!" Nag-iba na naman ako ng topic.
Ewan, pero parati na lang akong nasasaktan every time na naririnig ko ang salitang 'Dad'. Yeah, i know...kailangan ko nang mag-move on. Gustuhin ko man na gawin iyon, hindi ko kaya eh. Hindi ko kayang kalimutan ang mga ginawa niya sa amin. Mahirap nga naman talagang mag-move on sa isang tao, lalo pa kung minahal mo ito.
"Oh sorry anak...hindi ko na naman napigilan ang aking sarili na ma-mention ang lalaking 'yon." Sabi ni Mom na naka-takip pa ang kaniyang bibig gamit ang isa niyang kamay.
"No Mom! Okay lang po! Kain na po tayo." Nag-pilit pa ako ng ngiti.
Kasalukuyan na akong nag-lalakad papuntang school. Hindi naman kalayuan ang school sa bahay kaya no need na mag-taxi. Kagaya nga ng sabi ko 'di ba, sa lahat ng aspeto ng buhay natin, kailangan nating mag-tipid para sa ekonomiya.
Hindi na rin ako nagpa-hatid kay Mom kasi baka ma-lata pa siya. 'Yon nga lang, awkward ang pag-a-almusal namin kanina. Kasalanan 'yon ng lalaking 'yon eh!
Nag beep ang phone ko kaya no choice ako kung 'di ang tignan ito. Nahirapan pa ako sa pag-kapa nito mula sa bulsa ko kasi hawak hawak ko ang paper bag na ang nilalaman ay iyong french fries para kay Xander.
From: Whiskey
Girl? Where na you? Dito na kami!
Natawa naman ako sa typings ni Whiskey, literal na pang-bakla!
To: Whiskey
Parating na, wait niyo lang ako riyan!
Binalik ko na ang cellphone sa bulsa ng palda ko. As if naman na gusto ko pang replyan si Whiskey if ever na mag reply back siya.
Kaunting hakbang na lang sana para makarating na ako sa may gate.
Nahinto ako saglit sa paglalakad para pakinggan ang kanilang pag-uusap. Hindi ako marites o ano, pero nais ko lang kasi na pakinggan iyon, its all about Dwight kasi eh!
"Guard? Gusto ko lang sanang maka-usap si Dwight Cheon, nariyan ba siya sa loob?" Tanong ng isang lalaki na nakikiusap sa guard na papasukin ito. Parang pamilyar ang boses na iyon sa akin.
"Ahy nako Sir, makakawawa po kami kay President Cheon kapag pinapasok ka po namin nang walang permiso galing sa kaniya." Sagot naman ni Kuyang Guard.
"Please tell him that i am here, he knows me," Wika pa ng lalaki.
Naka-talikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Parang pamilyar talaga ang kaniyang boses sa akin.
Literal na namilog ang aking mga mata, napako rin ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. "Hindi...hindi niya ako maaaring makita!" Wika ko sa aking sarili. Ang sakit pala kapag nakita mo ulit ang taong nanakit sayo, literal na babalik lahat ng sakit na naramdaman mo noon.
Hinahanap niya si Dwight? Eh ako kaya na anak niya? Hinahanap hanap rin kaya niya ang aking presensya? Nakakatawa lang, hinahanap niya ang ibang tao, samantalang ang tunay na anak niya'y iniwan niya lang na parang dumi. Ano kaya ang purpose at hinahanap niya si Dwight?
Humigpit ang hawak ko sa paper bag. Mabuti na lang at hindi ito nasira.
I didn't noticed na may tumulo na palang luha mula sa aking mga mata. I am a strong woman ngunit, kung ang topic na ay ang taong nanakit sa akin, nagiging iyakin ako. Walang kwenta ang tapang kung hindi mo rin lang naman kayang panindigan.
Minsan nga'y naiinis na ako sa aking sarili. Kasi, bakit ko ba iniiyakan ang taong walang kwenta?
"Hindi ka na muling makakabalik sa buhay namin ni Mommy!" Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang likuran ng aking kamay.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Fiksi RemajaMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.