Chapter 11: The comfort food
Pearl's Pov
"Kaya ko naman pala eh!" Sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin sa kawalan.
Kaya ko naman pala na i-ignore siya. Sana pala noon pa, nag-praktis na ako kung paano ang maging cold person.
Naka-pwesto na ako ngayon sa isang table.
Wala naman akong ganang kumain.
Narito lang ako para mag-isip isip ng mga bagay na hindi ko rapat isipin.
"Hello magandang Pearl....nag-iisa ka yata?"
Hulaan niyo kung sino 'to. Wala nang iba kung 'di si Xander. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoong tawag.
Hindi ko siya pinansin kasi wala ako sa mood na makipag-kulitan sa kaniya.
"Aray...ang sakit..." Wika niya kaya napa-tingin ako sa kaniya at nangibabaw ang pag-aalala sa akin.
"B-bakit, ano ang nangyari?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na parang napa-ngisi siya kaya kinurot ko ang kaniyang tagiliran kaya napa-daing naman siya.
"Uy, hahahaha, Pearl, wah, ano ba 'yan, hahaha, tigil na, hahaha, nakakakiliti...hahaha"
Napapatawa na rin ako sa inaasta niya. Para na siyang bata na naka-lupasay sa kaniyang kinatatayuan kanina habang panay pa rin ang tawa ng malakas.
"Haha, oh ayan, napatawa na kita. Sabi na nga ba eh, hindi mo ako pinapansin kasi may bumabagabag sa isipan mo." Sabi niya habang natatawa pa rin. Pero this time, nakaupo na siya ngayon sa katabi kong upuan.
"May iniisip lang, haha, salamat ah, Xander kasi lagi kang nandiyan kapag mag-isa ako, kapag malungkot ako!" Wika ko sa kaniya habang naka-ngiti ng matamis at naka-tingin sa kaniya ng diretso.
"Wala 'yon, ano ka ba. Nga pala, mukhang hindi ka yata nag-order ng pagkain? May gusto ka ba? Ako na kukuha para sayo." Suhestiyon niya tsaka tatayo ngunit pinigilan ko siya kaya napa-upo siyang muli.
"Xander, huwag na, hindi ako gutom..." Pagpupumilit ko sa kaniya kaso mapilit talaga ang lalaking 'to.
Pero kahit na makulit si Xander, gusto ko ang personality niya. Ang lakas maka-good vibes ng ugali niya. Lalo pa kung binibiro niya ako.
"Sige na, ayoko naman kasi na nalulungkot ka, tsaka nabasa ko rati na kapag malungkot daw ang mga babae naghahanap sila ng comfort food. Hehe, may comfort food ka ba?"
Napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. Ang sweet naman ng lalaking 'to. Kabaligtaran ng ugali ng kaibigan niya. Pero teka nga lang, ba't ko ba naiisip ang lalaking 'yon? Insane!
"Sige na nga, nako, ikaw pa lang ang lalaki na nag-tanong kung ano ang comfort food ko. Kung mapilit ka talaga, ibili mo na lang ako ng burger tsaka milk tea." Sabi ko sa kaniya habang naka-ngiti ng malapad.
Rati kasi ako lang ang bumibili ng burger at milk tea para sa sarili ko, tapos ngayon, may Xander na ako na tagabili ng comfort food ko. Ang galing, ang saya kasama ng lalaking 'to.
"Sabi ko na nga ba eh, lahat ng babae may comfort food. Sige stay ka lang rito, bibili lang ako magandang Pearl!" Sabi niya, sabay wink pa habang tumatayo sa kaniyang kinauupuan.
"Salamat Xander...." Wika ko sa kaniya bago siya umalis at nag-lakad papunta sa bilihan ng pagkain.
May ganoong tinda rito sa cafeteria kaya hindi kalayuan ang tutunguhin ni Xander para bumili ng comfort food ko ika nga niya.
Aaminin ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko ngayon si Xander. Ang lakas kasi niyang makapagpabago ng mood. Kanina lang, ang lungkot lungkot ko, tapos ngayon, naka-ngiti na ako dahil lang sa kaniya. Ngayon ko lang masasabi na hindi ko kaya na maging cold person pagdating kay Xander.
Kaunting oras lang ang hinintay ko bago dumating si Xander.
"Heto na oh, kain ka na!"
Napa-palakpak naman ako dahil sa tingin pa lang ay mukhang masarap na.
"Wah, ang sarap! Grabe, ngayon lang na naman ako makakakain ng comfort food ko." Wika ko bago sumipsip sa aking milk tea gamit ang straw nito.
"Eh ano nga ba ang dahilan at malungkot ka ngayon?" Napa-iwas ako ng tingin.
Hindi ko na lang muna sasabihin sa kahit na sino ang nangyari kanina sa office ng SSG, ayoko kasi na mag-alala pa si Xander at maging ang mga kaibigan ko. Rapat kapag kasama ko si Xander, sa kaniya lang rapat ang atensyon ko at hindi sa kung kani-kanino.
"Wala naman, pagod lang talaga ako kasi ang rami na nating ginagawa rito sa school. Tsaka inaalala ko rin ang dinner date namin ni Mommy mamayang gabi..." Pagisisinungaling ko sa kaniya.
Hindi naman yata masama ang mag-sinungaling basta may rason at alam ko naman na nakakabuti sa aming lahat ang ginagawa kong pagsisinungaling. Patawarin na lang ako ng diyos kapag nasobrahan ang pagsisinungaling ko.
"Ang sweet talaga ng Mommy mo sayo 'no..." Sabi niya tsaka subo ng fries.
I slowly nodded. "Mahilig ka sa fries 'no, haha. Bukas, ililibre kita ng fries." Pang-aasar ko sa kaniya habang kumakagat sa burger na binili niya.
Kung hindi niyo natatanong, matakaw nga pala ako pagdating sa mga favorite food ko. Hindi nga lang halata kasi kung minsan, wala akong gana na kumain. Ginaganahan lang ako kapag may kasama ako o 'di kaya naman ay kapag may nakahain na paborito kong pagkain sa hapag.
"Aasahan ko 'yan huh, subukan mo lang na hindi tuparin ang pangako mo, kikilitiin kita kagaya ng ginawa mo sa akin kanina." Natawa naman ako ng bahagya.
"Ako iyong tao na kapag lumabas na sa mismong bibig ko ang salita, hindi na magbabago pa iyon. Kaya asahan mo bukas ang iyong fries, ilang cup ba ang gusto mo?" Pang-aasar ko sabay wink pa.
Nahahawa na tuloy ako sa pa-wink wink ni Xander.
"Sana ako na lang ang gustuhin mo..." Mahina niyang bulong ngunit hindi naman ako bingi para hindi ko marinig 'yon.
"A-anong sabi mo Xander?"
Gaya nga ng sinabi ko, narinig ko ang sinabi niya ngunit gusto ko lang na makumpirma kung totoo nga ba ang rinig ko tungkol sa sinabi niya.
"Wala, sabi ko, ubusin mo na 'yan kasi malapit na matapos ang lunch time..." Sabi niya habang kakamot kamot pa sa kaniyang ulo.
Baka may parasite sa kaniyang buhok kaya makati iyon.
"Hehe, 'yon na nga ang iniisip ko eh." I chuckled awkwardly.
Nakakahiya naman! Ano ba ang nangyayari sa buhay ko? Role ko na lang ba palagi ang mapahiya?!
Nakakabanas!
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Teen FictionMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
