Chapter 59: Worries
Pearl's Pov
Dahil sa pagmamadali, hindi ko na tuloy natapos ang kinakain ko kanina.
"Tita? Nasaan po si Xander?" bahagya kong tanong kay Tita na ngayo'y maaliwalas na ang mukha. Hindi na rin siya umiiyak kaya medyo nakahinga ako ng malalim.
Tumayo siya tsaka lumapit sa akin. "Nasa kwarto, nagpapahinga. Sabi pa niya, kapag daw nag-punta ka, papuntahin daw kita agad sa kaniya." wika ni Tita.
"Hindi po ba siya ng nagtamo ng anumang sugat na malalim?" tanong ko.
"Hindi naman, nagkaroon lang ng mga gasgas. Pero okay naman daw siya ani ng doktor. At sa awa ng diyos okay na ang lagay ng anak ko!" dagdag niya pa.
"Sige Tita, puntahan ko lang po muna siya." paalam ko tsaka tinungo ang room ni Xander.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob dahil baka maabala ko siya sa kaniyang pagpapahinga.
Akala ko tulog, gising na gising naman pala... Hinahaplos haplos pa niya ang gilid ng kaniyang unan.
Tinungo ko ang kama niya tsaka umupo sa gilid ng kama niya.
"Hoy, ano bang nangyari?" agad kong tanong kaya napa-lingon siya.
"Magandang Pearl, na-miss kita!" excited na saad niya.
"Miss rin kita..." ani ko.
Sa tingin ko'y naluluha na ako. Naluluha sa saya dahil walang nangyaring masama sa kaniya.
"Payakap nga, huwag ka ng umiyak, okay lang ako. Huwag ka na mag-alala!" umamba siya ng yakap sa akin kaya niyakap ko na rin siya.
Isang yakap lang naman, at isa pa'y marunong siyang mag-paalam, hindi katulad ng iba...
"Paano na lang kung kinuha ka nila sa amin? Hindi namin kaya iyon, tsaka tandaan mo, may mga utang ka pa sa akin. Ililibre mo pa ako ng ice cream, burger at milk tea." saad ko. Pumipiyok pa ang aking boses dahil sa aking pag-iyak.
Hindi ko lang talaga kayang tanggapin kapag nawala na si Xander... Pero knock on wood, huwag naman sanang mangyari.
"Mumuntikan na nga akong namatay, pagkain pa rin ang nasa isip mo. Ang takaw mo pala..." natatawa niyang saad kaya hinampas ko ang likuran niya. Nakayakap pa rin kasi kami sa isa't isa.
"Hindi ah..." maktol ko naman tsaka bumitaw ng yakap.
Ang aliwalas tignan na naka-ngiti si Xander. Parang hindi naaksidente kung umasta ang loko!
"Alam mo ba na kaming dalawa ang naaksidente?!" seryosong tanong niya kaya naging seryoso rin ako.
"What do you mean?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang tinutukoy.
"Dwight..." tipid niyang sagot.
A-ano? S-si Dwight? Naaksidente rin?
"Kailan?" iyan lang ang naitanong ko.
"Same place, same time!" sagot niya sa aking tanong.
BINABASA MO ANG
Fake Love Spell (Completed)
Novela JuvenilMy heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance to us? O sadyang ako lang talaga ang kaya na mag-bigay ng pag-mamahal sa aming dalawa.
