Chapter 3: The Heartthrob Gangsters?

24.5K 778 160
                                    


Julia's Pov

Umaga na.

Matapos kong gawin ang daily routine ko tuwing umaga ay isinuot ko na ang bagong bili ko na uniform. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok kahit medyo basa pa. Hindi ako sanay na nakalugay kaya gan'to lagi ang hairstyle ko.

Madalas akong late magising kaya wala na rin ako masyadong time na mag-ayos ng mukha gamit ang kemedu-kemedung make-up.

“Late ka na naman nagising! Ano sisisihin mo na naman ‘yung alarm clock mo? Naku Julia! Habit mo na iyan!" isang nakakagising ng diwa na sermon ni Kasey pagkalabas ko sa gate.

Mas better sigurong siya na ang alarm clock ko para magising agad ako.

“Relax Kasey. Saka, hindi agad recorded na late ka tuwing first day of class," pagdadahilan ko.

“Hayaan nang late kaysa hindi na magising." Bravo! May point si Joy.

Mabuti at sumuko na si Kasey sa kakasermon sa akin. Sabay-sabay na kaming sumakay sa kotse ng pamilya ni Joy. May family driver sila at madalas, hinahatid si Joy at sinasabay na rin kami.

Hindi pa nakakalayo ang andar ng kotse ngunit ‘yung katabi ko ay nagsimula na naman mag-ingay.

“Remember what I told you yesterday Julia? My good news is... Lilipat na ulit ‘yung tatlong main members ng The Heartthrob Gangsters sa Sandoval Academy!" balita niya at tumili na halos maputol ang ugat sa leeg.

Kyaaaaah! I'm so excited na makita ulit sila personally! The Heartthrob Gangsters, wait for me!"

Para siyang die hard fan ng isang sikat na male group. Wala naman akong idea sa tinutukoy niya. Maging si Joy ay clueless din.

“Huh?"

“Sino ba iyan? Alien?"

“Anong huh at alien?!"

“Yung huh ay salita na may letter h, u, h. Sinasabi ito kapag may hindi ka maintindihan. ‘Yung alien ay mga nilalang na nakatira sa ibang planeta gaya ni Kokey!" isang panibagong interesting trivia ni Joy.

“I know! I mean, bakit huh lang ang reaction niyo? Hindi sila alien! Gwapo sila!"

“May gwapong alien kaya. Kilala mo si Matteo Do? Kung hindi, nood ka ng My Love from the Star."

“Okay fine. Whatever. Pero, seriously? Hindi niyo kilala ang The Heartthrob Gangsters? Nag-aral sila sa Sandoval Academy nung second year. Half quarter. Now, dito na ulit sila mag-aaral for this whole academic year!"

“Sino ba ang mga iyon? Masyadong self-proclaimed ‘yung name ng grupo nila. Baka nga mga tambay sa kanto lang ang mga iyon," komento ko.

Kung tama ang navi-visualize ko, dapat na name nila ay Jejeboys o kaya Gangstah Malupet. Na may tagline na, ‘sa'yo lang hahagupit nang mabagsik.’ Yeaaah! Jejeboys in your area.

“Are you crazy Julia? Tambay sa kanto? Hindi niyo talaga sila kilala. My gosh! Hindi kayo updated. Dapat malakas ang radar niyo kapag usapang gwapo! Like sino ang nasa number 1 handsome man ngayong taon, sino ang trending male group, etchetera!"

“Not interested. Hindi naman nakakain iyan," walang gana kong sabi at sumandal na lang sa upuan.

“Pagnasaan pwede. Iyang sinasabi mo, depende kung papayag." At ngumisi pa talaga ang babaitang ‘to. Medyo green minded ang lola niyo.

“Anyway, just to inform you guys. The Heartthrob Gangsters ay isang sikat na grupo ng mga lalaki. Ayun ang binansag sa kanila ng karamihan at naging kilala sila doon lalo pa ayun na ang team name nila tuwing game ng basketball. They are five. But the original members are only three. Sina Darious at Jin ay sa Sandoval Academy na talaga nag-aaral, while the three members was transfered and now, they're back!"

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon