Chapter 66: Threat

8.7K 379 48
                                    

Julia's Pov

Uwian na ngayon pero nakatambay pa rin kami sa garden. Kasama ko ngayon sina Kasey, Joy, Matthew at Renz. Kung tatanungin niyo 'yung isa, absent siya!

Siguro, nakipaglaban na 'yon kay Jackie Chan at Bruce Lee! Ano bang pinagkaka-abalahan niya? Ganoon ba talaga siya katapang para lagi maghanap ng sakit ng katawan? Kung nagpabugbog na lang siya sa akin ay mas maganda pa!

"Yehey! Mananalo na ako!" sigaw ni Joy dahil sa tuwa. Mayroon lang naman silang isang 'seryoso at mahirap na laro' ni Renz. Hindi ko nga alam kung paano napapayag ni Joy si Renz na maglaro sila ng snake and ladder e.

"As if I will let that happen."

"Hmmp! Malaglag ka sana sa hagdan!" Ano raw?

"Tsk."

Kinain na sila ng sistema ng snake and ladder. Kung anu-ano talaga pinagbibili nitong si Joy. Pinanuod ko na lang sila sa paglalaro dahil wala rin naman akong magawa.

"Ms. President. May sasabihin ako sa'yo." Napalingon naman ako kay Matthew at binigyan siya ng bored look.

"Kung sasabihin mong ang gwapo mo, itikom mo na lang iyang bibig mo."

"Sasabihin ko rin sana 'yon. Pero may isa pa akong sasabihin, tinawagan kasi ako ni Leader e." Naagaw niya bigla ang buong atensiyon ko. Ngayon lang kasi siya nag-open ng conversation about kay Darren demon. Tinanong ko rin siya at si Renz kung bakit nag-cutting si Darren demon kahapon pero iba ang sinagot nila. Kunyari naniwala na lang ako sa sagot nila kahit ang totoo ay alam ko ang tungkol sa mga ginagawa nila sa tinatawag na Vertex Mob. Masyado talagang private iyon dahil never iyong nai-kwento ng mga 'to.

Kahit si Kasey, alam kong hindi niya pa alam ang totoong ginagawa doon ng boyfriend niya. Oo alam niya atang nakikipaglaban din doon si Matthew pero mas malala pa iyon sa inaakala niya. Iba rin kapag ikaw na mismo ang nakarating sa nakakatakot na lugar na iyon.

Marami pa talaga akong hindi alam tungkol kay Darren demon. Alam kong iba pa siya sa inaakala ko.

"Ano ngayon kung tinawagan ka niya?"

"Hinahanap ka niya sa akin at pinapasabi niyang pumunta ka raw sa bahay nila, ngayon na." Diniinan niya pa talaga ang pagsabi ng 'ngayon na'. Bahala 'yon sa buhay niya! Akala mo kung sino mang-utos pero sa mismong salita niya hindi marunong sumunod. Sabi niya kahapon, babalik daw siya pero hindi naman.

"Hoy Julia! Ngayon na raw. Magpapa-tutor 'yon sa'yo dahil nag-cutting siya kahapon then hindi nakapasok ngayon," pamimilit ni Kasey sa akin. Kasalanan niya 'yon. Kung hindi siya um-absent, edi sana wala siyang na-missed na lesson. Saka as if naman na may pakialam 'yon sa grade niya.

"Sa tingin ko, pinayagan 'yon ng lola niya na um-absent pero dapat may tutor siya ngayon. Ikaw bahala Ms. President, mismong lola niya ang hahanap ng tutor kapag nalaman niyang walang nagtuturo kay Leader ngayon. Nakita ko kanina si Madam Krizelda sa faculty, mukhang nagtatanong kung sino ang pwedeng maging tutor ni Leader-"

"Oo na! Pupunta na ako. Tama na iyang pamimilit mo o kung ano man ang tawag diyan. Tsk!" Kaunti na lang at mabibigwasan ko na 'tong si Matthew e.

"Papayag ka rin pala Julia. Go na! Punta ka na sa bahay nila. Dalhin mo na lang 'yung module natin sa English dahil iyon lang naman ang may maraming ni-lesson kanina."

"Oo na. Magsama kayong dalawa!" sigaw ko pero tinawanan lang ako ng mga walang hiya. Padabog kong kinuha 'yung gamit ko at tumayo na ako.

"Bye! Mag-asawa kayong dalawa!" Napalingon ako bigla sa isinigaw ni Kasey. Nakainom na naman ng muriatic acid ang babaeng 'to!

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon