Chapter 41: Jealous?

13.5K 483 55
                                    

Julia's Pov

One week na ang nakalipas matapos ang delikadong pangyayari na kinasangkutan namin. Magaling na ang mga kamay ko at wala ng masakit sa akin.

"Baby Amazona, may dalaw ka!" sigaw ng pinsan ko na aakalain mong preso ang tinatawag. Bilanggo ba ako? Tsk!

Sinuot ko na ang bag ko at bumaba na. Baka ang mga kaibigan ko na iyon.

"Bakit hindi mo pa binuksan?" reklamo ko dahil nadatnan ko lang siya na nag-cecellphone habang nakapatong ang mga paa sa center table. Minsan na nga lang pumunta rito, pa-hayahay pa.

"Utusan mo ako?" Grrr!

Tinungo ko ang gate at ako na ang nagbukas. Ang kaninang inis na naramdaman ko sa pinsan ko ay nawala nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Hi, Juls."

Kumurap-kurap ako. Hindi ako nananaginip ng gising 'di ba? Nandito siya!

"Kevin!" Muntikan ko na siyang madamba ng yakap, mabuti ay nakapagpigil ako.

Huwag dapat ipahalata na sobrang na-miss ko siya.

"Surprise visit," aniya at napatawa.

"Nasurpresa mo nga ako. Bakit napaaga ang punta mo rito?" Na-moved ang championship game nila at isinakto sa foundation day ng Sandoval Academy. Almost 2 weeks pa bago iyon, kaya medyo nakakapagtaka at nandito na si Kevin.

"May inaasikaso lang. Ako na ang maghahatid sa'yo. Alam na ito ng mga kaibigan mo." Kaya pala wala sila.

"Hindi ba ako nakakaabala sa mga inaasikaso mo?"

"Hindi. Nakalaan sa'yo ang oras ko ngayong araw, Juls."

Telege be?

Palihim akong ngumiti. Kunyari, hindi ako kinilig. Normal na tono at simple lang ang pagkakasabi niya pero parang bumabanat siya sa akin. Huwag umasa.

"Kevin? Ikaw nga!" Umeksena ang bida-bida kong pinsan.

"What's up Joshua! Nandito ka pala." Ohh. Close sila?

"Magkakilala kayo?"

"Oo, Juls. Nag-guest siya sa isang concert at nandoon din ang banda namin. Nag-request ang audience na kumanta si Joshua habang kami ang tutugtog." Napatango ako.

"Siya rin ang dahilan kung bakit kita nahanap ulit. May ipapakilala raw siya sa akin na pinsan niya, sakto ikaw pala. Kaya ayon, nanghingi ako ng kaunting information about sa iyo."

Aba! Hindi ko nalalaman na binubugaw na pala ako ng pinsan ko. Pero kung kay Kevin naman, sige. Mapapalagpas ko.

"Pasalamat ka Baby Amazona at hindi kita siniraan dito." Nagtawanan ang dalawa.

Nagkwentuhan sila sandali at hindi ako naka-relate. After that, naisipan na ng pinsan ko na bida-bida siya sa oras naming dalawa ni Kevin kaya hinayaan niya na kaming umalis.

Medyo maaga pa nang makarating kami sa Sandoval Academy. Nagpumilit siya na samahan ako pumasok sa loob. Tinabihan niya ako sa paglalakad. Agaw pansin ang kanina pa niyang pag-ngiti, hindi ko tuloy maiwasan na patingin-tingin sa kaniya.

"We have still 20 minutes before your first class. Tambay muna tayo? May gusto kang puntahan o kainin?"

Magre-request sana ako ng ice cream pero nahiya akong magpalibre ngayon. Kakabalik niya lang, baka ma-short ang budget niya.

"Tambay na lang muna tayo sa garden," sagot ko.

Tinahak namin ang daan papunta sa malawak na garden. Umupo kami sa isang bench. Mula rito, natanaw ko ang modernized tree house ng The Heartthrob Gangsters.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon