Julia's Pov
Patuloy ko pa ring pinapakiramdaman ang paligid. Kahit medyo nawala na ang kabang nararamdaman ko ay hindi pa rin maalis sa isip ko na gagawa ng masama si Kevin at laban pa sa akin. Ganoon na lang ba ang galit niya kay Darren demon? Hays...
"Waiting for death?" Nanlamig na naman ang buong katawan ko. Lumitaw na naman sa harapan ko ang lalaking 'yon at nasa likuran niya ang tatlong lalaki kasama na si Kevin.
Nilakasan ko na lang ang loob ko tutal mapapahamak din naman ako. "Plano niyong saktan ako 'di ba? Bakit pinapatagal niyo pa?"
"We have no business about you. Brix, tape her loud mouth." Umalis na siya at sumunod din 'yung iba, tanging si Kevin lang ang naiwan dito. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko na siya kilala.
"I'm not what you're thinking. Na-informed ko na ang The Heartthrob Gangsters about dito kanina," sabi niya habang nilalagyan ng tape ang bibig ko.
"Don't worry, I'm sure makakarating sila agad. Hindi kita kayang tulungan ng mag-isa lang ako. I'm just pretending that I'm in their side." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ibig sabihin mali ang inaakala ko sa kaniya?
"Plano niyang i-inform si Darren kapag alanganin na ang buhay mo. At once na dumating na si Darren, ang mga gangsters lalo na 'yung kasama ko kanina ang bahala kay Darren."
K-kung ganoon, pareho lang na delikado ang buhay namin ni Darren demon?
"'Yung lalaki kanina, siya ba ang boss niyo?" tanong ko bago niya malagyan ng tape ang bibig ko.
"Leader ko siya as being gangster member. Pero ang may pakana nito ay hindi siya. Juls, sana magkita pa tayo mamaya." Bumuntong hininga siya at maya maya pa ay may dumating ng mga bantay. "Tss! Maingay na babae! Bantayan niyo siyang maigi," utos ni Kevin na alam kong nagpapanggap lang siya na galit. Umalis na rin agad siya.
At least, gumaan ang pakiramdam ko nang malaman na hindi siya traydor. May tiwala ako sa lalaking 'yon.
Nakarinig naman ako ng mga yabag at nakita kong yumuko ang mga nakabantay sa akin. "Boss."
Kinabahan na naman ako pero mas nanaig ang curiosity ko. Nang tignan ko ang tinutukoy nilang boss ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Nasa gitna siya at may dalawang babae na nasa gilid niya. Nakangisi siya sa akin at halatang natutuwa sa nakikita niya. H-hindi siya gan'to...
Ibang-iba siya sa nakilala ko. Hindi ko matanggap na siya ang boss na tinutukoy nila at may pakana ng lahat ng 'to!
Isa siya sa mga kakilala ko na alam kong malabo na gawan ako ng masama. Pero... Bakit?
Cassandra Santillian...
May umalis ng tape sa bibig ko nang magpumilit akong magsalita. "Cassandra Santillian!" tawag ko at mas lalo siyang ngumiti na parang demonyo.
"Yes? What's with the shock face Julia?" Tumawa siya at nginisian naman ako ng nasa gilid niya. Sina Karla at Shiela, ang dalawang witch na kaklase ko.
Hindi ako maka-recover sa nakikita ko. Ang tinuring kong kaibigan, isa pa lang dakilang plastic! Pakitang tao lang ba ang ipinakita niya sa akin magmula pa nung una? Ang mabait, sweet, matalino, inosente at masayahin na Cassandra... Ibang-iba siya sa nakikita ko ngayon.
"Kailangan siguro niya ng warm-up para naman mawala na ang pagkagulat niya? Go on Karla and Shiela. I'm watching," madiing sabi niya at umupo na. Lumapit sina Karla at Shiela sa akin at kaagad akong sinampal.
"Payback time, President." Idiniin niya pa talaga ang salitang iyon. Napapikit na lang ako sa malakas na sampal ni Karla at sinundan naman iyon ni Sheila. Kulang na lang ay lumipad na ang pisngi ko sa ginagawa nilang pagsampal sa akin.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...