Julia's Pov"I'm breaking up with you. Let's end this freaking relationship."
"I'm sorry Julia. This is over. Goodbye."
Ugh! Kailangan ba talagang unli? Ulit-ulit na lang iyang linya na iyan! Dalawang araw na ang nakalipas pero nasa utak ko pa rin ang mga sinabi niya.
Nasasaktan pa rin ako. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pati mga mata ko ay sumuko na sa pagluha. Namanhid na ata pero itong puso ko, hindi pa. Sarap tusukan ng anesthesia e!
Galit ako kay Darren demon! Una palang talaga, sinaktan niya na ako. Mas malala nga lang ngayon dahil hindi lang mentally at emotionally ako nasasaktan, pati digestive system ko!
Nagmahal, nasaktan, lumamon! Gan'yan ang tema ko ngayon.
Kapag iiyak ako, kakain agad ako ng ice cream para mapigilan iyon. Pero minsan talaga, habang kumakain ako ay napapaiyak na lang ako. Doon ko napagtanto na maalat pala talaga ang luha. Salty tears flavored ice cream, try niyo.
"Ate! Maligo ka na! Tama na ang pagkain ng ice cream." biglang eksena ng kapatid ko.
"Walang makakapigil sa akin. Hindi ikaw ang nasaktan kaya shut up. Palit tayo, gusto mo?"
"Drama mo! Kaya ka siguro hiniwalayan ni Darren dahil ang baho at ang takaw mo." Sininghot ko naman ang sarili ko at na-realize na ang baho ko ngayon.
"Naka-apat kang galon ng ice cream ate! At ikaw lang ang umubos. Para ka pang baliw dahil para mong iniiyakan 'yung ice cream. Tsk!"
"Hayaan mo na ako. Kaysa mag-suicide ako o kaya magdrama sa facebook 'di ba?" hirit ko sa kaniya. Mas maganda ngang lumamon na lang ako kaysa naman mag-post sa facebook at i-tag si Darren demon.
#BrokenHearted
#FeelingHurt
#BhozhxMhapagmahal
#ComebackPlz?"Malala ka na ate! Maligo ka na at may pasok pa!" paalala niya at umalis na.
Sana Sabado at Linggo na agad. Hindi ko kayang makita siya na umiiwas sa akin. Tipong hangin lang ako na hindi niya nakikita. Kagaya kahapon, nagkasalubong kami pero hindi man lang ako nagawang tignan o kaya kausapin.
Samantalang ako, gustong-gusto ko na siyang yakapin nun. Gustong-gusto kong sabihin na, 'Pwedeng tayo na ulit? Pwedeng boyfriend na kita ulit at girlfriend mo ako?' Kaso hindi ko masabi dahil alam kong ire-reject niya lang ako.
At ang pinakamasaklap sa lahat, nakita kong magkasabay sina Darren demon at Cassandra sa parking lot at halatang masayang nag-uusap.
Wow lang 'di ba? Matinding selos ang naramdaman ko kahapon! Torture na torture na masyado 'yung puso ko. Maghahanda na ata ako sa susunod ng kandila at ititirik ko sa puso ko. 50/50 na e.
Bago pa ako umiyak ulit ay naligo na lang ako. Nagbihis na ako ng uniform ko at maya maya pa ay dumating na sina Kasey at Joy.
"Ohmy! Mukha ka ng zombie Julia! Living dead na ata ang peg mo!" bulyaw agad ni Kasey habang tinitignan ako. "Ano, kamusta na ang puso mo?"
"Ganoon pa rin. Daig pa ang sinaksak, binasag at dinurog. Don't worry, nagana pa rin naman," matamlay kong sagot.
"Ikaw? Kamusta kayo ni Matthew?"
"Mabuti-buti na. Ina-update niya ako at sinabing malapit na kami magkabalikan. Ayaw din pala nung babae sa set-up nila kaya ayon, malaki ang chance na hindi matutuloy iyon at magkakabalikan kami ni Baby Kupal." Ngumiti siya sa akin pero mas lalo lang akong nalungkot.
Masaya ako para kay Kasey dahil hindi niya nararanasan ang sakit na tulad sa akin. Hindi ko lang talaga maalis na hindi mainggit. Mabuti pa sila.
"Shhh! Iiyak ka na naman e! Maganda ka Julia kaya huwag mong sirain. Sira na nga ang utak mo, pati ba naman itsura? Huwag ganoon 'te!"
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...