Chapter 62: Say it

11.1K 484 58
                                    


Julia's Pov


9:30 am na pala kaya naisipan ko nang bumangon. Sabado naman ngayon kaya wala akong problema kung anong oras man ako magising or kahit hindi na ako magising, joke lang haha!


Matapos kong gawin ang seremonyas ko tuwing umaga ay bumaba na ako para mag-almusal. Nakita ko si Jenny na nanunuod ng TV sa sala kaya pumunta na agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Bigla namang sumulpot si mama sa gilid ko habang ako ay todo bukas ng mga naka-takip na lalagyanan at pagbukas ko, walang laman lahat!


Mas okay pa sa akin yung nasa lalagyanan ng ice cream na iba ang laman kaysa pagbukas mo, wala pala. Pero parehong umasa ka sa dalawa haha!


"Wala kang mahahanap na pagkain jan. Kumain na kasi kami at naubusan ka. Wala si manang ngayon kaya walang magluluto ng marami. May natira pa kanina e." May natira naman pala kaya okay na 'yon.


"Nasaan ma?" tanong ko habang kinakalkal yung mga plato. "Inubos na ng kapatid mo. Gutom na gutom na raw siya e." Para akong hinulugan ng mga kaldero dahil sa narinig ko. Pinaasa ako ni mama, grabe! Kung sinabi niyang ubos na kanina pa, edi sana hindi na ako umasa.


"Mago-grocery pa lang ako mamaya kaya mamaya ka na rin kumain. Bakit kasi ngayon ka lang gumising ha?" tanong ni mama habang inaagaw sa akin yung mga plato na hawak ko na dapat sana ay paglalagyan ko ng pagkain.


"Hindi ako makatulog sa gabi sa kaiisip," pakanta kong sagot. "Bakit? Sino ba iniisip mo?"


Hala! Bakit iyon pa ang nasabi ko? Uusisain ako nitong si mama e. Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog kagabi kasi kada ipipikit ko ang mga mata ko ay naaalala ko yung mga sinabi ni Darren demon kahapon!


Nagtatatalon, nagwala at nagtata-tumbling pa ako sa kama ko bago ako nakatulog dahil nauntog pala ang ulo ko sa pader dahil sa kaka-tumbling ko. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin kahapon at ganoon ang reaction ko. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kung kinilig nga ba ako or natuwa, siguro both.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit natutuwa ako sa sinabi ni Darren demon. Nililigawan niya na ako? Hindi talaga ako makapaniwala! Imagine, isang Darren demon, nililigawan ako? Or baka iligaw lang ako nun bandang huli?


Basta! Hindi ko na itatanggi pa, kinilig talaga ako kahapon. Mabuti nga't walang nakakita sa akin dahil nasa loob ako ng c.r sumigaw pero pagkalabas ko, yung mga tingin nila sa akin ay nandidiri, tapos yung iba ang sinabi 'Binuhusan mo ba iyong dirty particles mo? So yuck!' Okay na sa akin na pinagkamalan akong jumi-jebs sa c.r kaysa malaman nilang kinikilig ako. Sina Joy at Kasey ay walang kaalam-alam kahapon, secret ko lang kasi 'yon.


Kinilig lang naman ako ng very slight e, iba pa rin yung crush mo na mismo ang nagsabi nun. Hanggang kilig lang ako kay Darren demon pero hindi ko pa rin siya crush 'no. Hindi niya ako madadala sa pa-ice cream niyang nasa cup lang, pwede pa sana kung more than 3 gallons of ice cream ang ibigay niya haha!


"Gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko Julia? Sobrang tagal mo atang mag-isip. Kaunti na lang at lalangawin ka na jan."

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon