Julia's Pov
Lumabas na ako sa faculty room. Habang naglalakad ay sumasagi pa rin sa isip ko ang ibinalita ni ma'am Leona.
Bakit may part sa akin na nanghihinayang dahil tapos na ang pagiging tutor ko kay Darren demon? Baka nakasanayan ko lang kaya ganito.
I shook my head. Masyado kong iniisip ang mga simpleng bagay. Mas binilisan ko na ang paglalakad. Lalampasan ko na sana ang canteen ngunit napatigil ako nang makita si Darren demon na palabas doon.
Huminto rin siya at nagtinginan kami ng ilang segundo. Nauna na akong umiwas dahil kung makatingin siya ay para bang isa ako sa mga nangutang sa kaniya at hindi pa rin nagbabayad.
Awkward. Nilingon ko ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
May sasabihin ba siya o sadyang trip niya lang mag-freeze mode?
Ako na ang nagkusa na lapitan siya. May ipapaalala lang ako at aalis na rin agad.
"Uhm... remind ko lang na hindi mo na ako tutor. Magsaya ka, pero huwag mo sana kalimutan ang ilang lesson na naituro ko sa'yo. Iyon lang. Enjoy!" Isang ngiti na pang toothpaste commercial ang ipinakita ko.
Hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Umalis na lamang ako dahil wala ata siyang plano magsalita.
"Masaya ka?" Nagitla ako sa pahabol niyang tanong. Sumunod pala siya sa akin.
"Okay lang sa iyo na hindi mo na ako tuturuan at makasama?"
Hindi ako nakakibo. Pinag-isipan ko muna ang sasabihin ko. Bakit niya pala ako tinatanong in the first place? May inaasahan ba siya na maramdaman ko dahil hindi ko na siya madalas makakasama?
Akala niya siguro na-attach ako sa kaniya. Neknek niya.
"Masaya ako. Tila independence day, everyday! Mas marami na akong time para makasama ang mga taong espesyal sa akin. Alam kong masaya ka rin. Bida ang saya ngayong araw."
Umakto ako na tawang-tawa at nilayasan na siya bago pa ako magmukhang baliw.
Lumiko na ako sa dulo ng hallway. Muntik na akong atakihin sa gulat nang may humigit sa aking braso at walang hirap na hinala ako patungo sa ibang direksyon.
"Darren demon!" singhal ko, ngunit tila bingi ang kausap ko. Nakatuon lang ang tingin niya sa daan. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon.
May susugurin ba siya at ako pa ang sinama bilang resbak?
"Saan mo ako dadalhin? Magsalita ka naman!" Nakaka-frustrate siya kausap. Nagpabigat ako ngunit walang kahirap-hirap niya akong kinaladkad.
Magaan na nga ako, madulas pa ang sahig. Great. Human maleta.
"Sisigaw ako ng rape kapag hindi mo pa rin ako binitawan!" banta ko na walang epekto sa kaniya.
Sinusubukan talaga ako! Nang may dumaan na ilang teacher at mga estudyante ay nagmamakaawa akong sumigaw.
"Waaah! Help me! Balak niya akong i-rape! Rapist siya!" Nagpumiglas ako at nagpaawa effect sa kanila, ngunit dinedma lamang nila ako.
Sumilay tuloy ang ngisi sa labi ng lalaking nanghihila sa akin ngayon!
Nakakainsulto sila! Imposible ba na rapin ako nitong si Darren demon?
"Stop requesting, Stupid Amazona." Binitawan niya na ako. Namula ang aking braso dahil sa mahigpit niyang kapit kanina.
"Hindi ako nagre-request!" depensa ko. "Bakit mo pala ako dinala rito?" usisa ko at itinuro ang Science faculty room.
"I want you to stay as my tutor. Do your best to persuade that teacher," aniya sa isang seryoso at demanding na boses.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...