Chapter 58: Reaction

10.1K 442 32
                                    


Julia's Pov

Hindi ko na-enjoy ang pagpunta namin kahapon sa Cebu. Wala akong gana na sumama sa mga photoshoot ni Joshua kahit pilit siya ng pilit sa akin. Naiwan naman akong busog sa hotel na pinagtuluyan namin.

Dalawang araw, tama, dalawang araw na nga ako hindi mapakali. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-isip nang malalim at lagi kong naaalala yung nangyari nung nakaraang araw. Kahit sa pagtulog ko, ayon ang naiiisip ko! Bangungot o panaginip ba 'yon? Siguro o na lang dahil hindi ko alam ang tawag sa mga pangyayari na nakikita ko habang tulog ako.

Ano na kayang balita sa kanila? Kina Joy at Kasey! In-off ko muna kasi ang cellphone ko dahil ayokong makatanggap ng kahit na anong text or tawag sa kanila dahil panigurado, i-oopen nila ang topic na 'yon! Yung about sa pinagsasasabi ni Darren demon!

Yung pag-amin ni Darren demon sa akin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong nangyari 'yon? Lagi siyang badtrip kapag kausap ako, lagi niyang pinagtatangkaan ang buhay ko, pinapahiya at lagi niya akong binu-bully, napaka-rude niya rin at saka wala siyang pakialam kung babae ka dahil wala siyang sinasanto, pati ice cream ko ay dinadamay niya! Iyon na ata ang pinakamalalang ginawa niya sa akin, ang pagwasak sa ice cream ko! Kaya ang malaking tanong ngayon para sa akin ay BAKIT?

Bakit sa akin pa? Bakit sa taong kaaway niya lagi? Bakit ako pa kahit sa mga mata niya ay isa akong stupid? Hindi ako kagandahan at hindi rin naman sobrang yaman na katulad sa kaniya na kwarto ko pa lang ay parang bahay pa lang ng cute na aso nila.

Ano kaya nagustuhan sa akin nun? For sure halos lahat negative! Attracted ba talaga siya sa babaeng matakaw? Baliw? Amazona? Stupid? At maganda? Ibang usapan na siguro yung maganda, hanggang stupid lang pala.

Siguro nga, joke-joke lang talaga 'yon. Imposible kasi e! Isang Darren demon na hangad ng karamihan ay magkakagusto sa isang Julia Marie na hangad lang ay kabusugan? Imposible 'di ba?

Maliitin ko na ang sarili ko pero hindi talaga bagay e! Kung ikukumpara natin, para siyang halimaw at ako naman ay beast, para siyang langit at ako ang sky at para siyang mikrobyo at ako ay germs! Gano'n kaliit ang tingin ko sa sarili ko kaya tingin ko ay napaka-layo ng agwat namin ni Darren demon!

Kung sa pelikula ay may linyahang 'langit ka, lupa ako!' Sa amin ni Darren demon ay 'Eroplano ka, langit ako!' In long, dinadaan-daanan lang ako kasi nga hindi ako gaya ng ibang babae na sobrang ganda at sobrang yaman!

Eroplano siya, langit ako. Gano'n na nga siguro.

"Baby amazona? Sasama ka ba ha? Photoshoot kami sa may white sand." Tumango na lang ako kay Joshua at saka nagmadaling lumabas. Kanina ko pa hinihintay na ayain ako para lumabas dito sa kwarto na ni-rent namin.

Sobrang daming tao rito sa Boracay! Pero nakahanap naman ng spot yung group ni Joshua para makapag-photoshoot. May ilang nagpapa-picture kay Joshua dahil hindi ko maitatanggi na sobrang gwapo niya ngayon sa suot niyang sando lang then pantalon na sira-sira. In fairness, bumagay sa kaniya yung pantalon na ginupit-gupit lang ata at mabuti ay hindi siya nagmukhang pulubi o gusgusing model.

"Joshua! Lakad-lakad lang muna ako ha? Tawagin mo na lang ako kapag kainan na!" Naka-ngiting paalam ko sabay kaway sa kaniya. Wala na rin naman siyang magagawa para pigilan ako dahil pinagkakaguluhan na siya ngayon haha!

Naglakad-lakad na lang ako gaya ng sinabi ko kanina. Ayokong mag-swimming dahil sa totoo lang ay hindi ako marunong lumangoy. Magsi-swimming sana ako ngayon kaso wala naman akong makita na salbabida. Bahala na, may makikita naman siguro ako habang naglalakad 'di ba? Maraming artista rito at panigurado ay nasa tabi-tabi lang sila.

Curious lang ako masyado, bakit kaya white sand ang sand dito? Maaraw naman dito pero hindi nagkukulay brown yung sand. Naka-glutha kaya? Ahhh...naka-sun block.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon