Chapter 33:Childhood bestfriend

11.3K 519 41
                                    


Julia's Pov

"Alam niyo ba? Sumakay si Renz sa carousel! Hahaha! Sayang hindi ko nakita!" kwento ni Matthew nang makarating na sila sa pwesto namin.

"Oh?" intriga naman ni Darren demon.

"Oo, si Joy ang nagkwento 'di ba Joy?"

"Oo! Adventurous person pala si Sunget hehe! Nakaka-enjoy!" tuwang-tuwa na sambit ni Joy habang si Matthew at maging si Darren demon ay hindi na mapigilang mapatawa.

"Nice one Renz. Quick change! Hindi na pala kotse ang paborito mong sakyan, kabayong laruan na," pang-aasar ni Darren demon. Inis naman silang tinignan ni Renz.

"Tss. Kayo mag-drive pauwi."

"Joke lang Renz! Masyado ka namang seryoso. Titigil na kami," pag-aalo ni Matthew para hindi sila ang mag-drive pauwi. Mga tamad e.

Ang lakas-lakas nila mang-asar. Hindi nila alam na mas nakakatawa ang nangyari kay Darren demon.

Ang epic talaga!

'Damn! I'm gonna kill you! Shit let me go down! Curse this ferris wheel! Argh! Mark this day Stupid Amazona! S-Stop it now!'

Hahaha! Naalala ko bigla ang eksena kanina. Sigaw siya ng sigaw habang namumula ang buong mukha niya.

Heto pa ang malala, pinagbantaan pa ang ferris wheel! Pftt!

"Uy napapangiti ka mag-isa Julia? Nababaliw ka na ba?" usisa ni Kasey sa akin at lahat sila ay napatingin na.

"Hindi ah. May naalala lang ako na nangyari kanina. Nakakatawa."

"Share mo naman!" pilit ni Joy na sinang-ayunan ng tatlo, sila Matthew, Kasey at Renz.

"Sumakay kami sa ferris wheel ni Darren demon tapos-"

"You should not try to tell it if you still want to go home, safe and fine," pagsingit ni Darren demon na seryoso na ngayon habang matalim na nakatingin sa akin.

Umurong bigla 'yung dila ko.

Baka maisipan niya na iwanan ako rito at ipa-salvage. Shemay! Hindi naman siguro.

"Ikwento mo na dali!" pamimilit ni Matthew.

"Ybañez..." madiin at ma-awtoridad na banta ni Darren demon na ikinatahimik ni Matthew.

Umubo naman bigla si Renz para ibaling ang atensyon ng lahat, "Let's go home," aya niya at nauna nang lumakad palabas.

Lumakad na rin kami at sabay-sabay na nilakad ang daan pabalik sa Manila. Joke!

Sumakay na kami sa van at sabay-sabay na isinalampak ang aming katawan sa upuan. Naubusan na kami ng energy dahil sa pagod at antok.

Dahil inaantok na ako, naghanap ako ng malambot na bagay na sasandalan ko. Saktong may nakita akong neck pillow sa lapag kaya agad ko itong inabot. Nang mahawakan ko na ay may humablot naman nito sa akin bigla.

Hawak ko na, naagaw pa ng iba.

"That's mine," pang-aangkin niya sabay gamit nito agad at isinandal na ang kaniyang ulo upang hindi ko na maagaw pa.

Napairap na lang ako. Mas lalo akong nainis nang mapansin ko sa front mirror ang nakangising labi ni Darren demon na halatang nang-aasar.

Sana pala niyugyog ko na nang todo-todo 'yung ferris wheel na sinakyan namin kanina. Baka hindi na siya makangisi-ngisi sa akin ng ganiyan.

Dahil antok na ako, hinayaan ko na lamang siya. Natulog ako sa buong byahe namin pabalik sa Manila. Nang maalimpungatan ako ay naramdaman ko ang pananakit ng leeg at ulo ko.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon