Joy's PovNandito kami ngayon sa hospital. Si Julia kasi ay nag-feeling si Snow white kanina na matapos makakain ng apple ay nahimatay kaya ayan Sleeping beauty naman ang peg niya.
Nakapalibot kami sa kaniya ngayon. 'Yung limang lalaki nasa kanan banda at kami ni Kasey ay nasa kaliwa naman banda nakaupo. Si tita Jane at kuya Joshy naman ay umuwi saglit para kumuha ng damit ni Julia kasi naka-gown pa rin siya hanggang ngayon.
"Dapat pala hinayaan ko na lang si Julia na kumain nang kumain hanggang sa mabusog siya," pagsisisi ni Kasey kaya agad naman siyang nilapitan ni Matthew, "Hindi mo kasalanan iyan Baby Megs! Malay ba nating nakakahimatay pala ang tanong ni Leader na 'Will you be my girlfriend?' Iba kasi karisma niyang si Leader-Aray ko po!"
"Dare to speak again with damn words of yours, I can kill you with the count of five," banta ni Darren kay Matthew kaya nag-peace sign siya at tumahimik. Eeee! Scary!
Zinip ko na lang din 'yung bibig ko at hindi ako nagsalita. Mabuti na lang kay Julia siya nakatingin dahil ayoko makita ang nakakatakot niyang expression!
Napa-pout na lang ako habang pinapalibot ko ang tingin ko. Napatingin naman ako bigla sa lalaking nakatingin din sa akin, kaibigan siya nila Matthew e. Siya 'yung boy version sa story na Sleeping Beauty. Hehehe...Mabuti at gising siya ngayon.
"What? Titingin-tingin mo?" tanong niya kaya napalingon sa kaniya si Renz sunget at Dari the explorer este Darious. Masama bang napatingin lang? Hmmp! Bampira siguro siya kaya sa gabi lang gising at mamaya red na ang mga mata niya!
"Suplado mo Jin ah? Wala ka lang tulog e. Anyway, Mary Joy tama ba? Galing mo mag-piano!" puri sa akin ni Darious kaya nginitian ko siya nang todo. "Hehehe! Salamat!"
"Tss. Not good enough," epal na sabi ni Sunget habang ang mga mata ay naka-pokerface. Humikab naman si Jin sabay tingin sa akin sa pinaka-bored na paraan, "Nakakantok 'yung tugtog mo. Pero okay na rin dahil mabilis na akong makakatulog mamaya."
Hmmp! Mga epal sila! Parang sila 'yung male version na stepsisters ni Cinderella! Mga kontrabida! "Heep! Huwag niyo ngang awayin si Joy! Lagot kayo kay Baby Megs at Ms. President!" Tumango-tango ako kay Matthew.
"Tama ka ugok! Huwag mo na pansinin iyang si Jin at Renz. Kulang sa tulog si Jin tapos si Renz ay menopause na. Hahaha!" asar ni Darious sa dalawa kaya natawa na rin ako. "Bleeeh!" dila ko sa dalawa at hindi ko na sila tinignan.
"Omo! Gumalaw na 'yung ulo ni Julia!" sigaw ni Kasey kaya lahat kami ay napatayo. "Stupid Amazona? Wake up!" sigaw ni Darren. Kiss niya kaya para gumising? Hays! Hindi kasi nanunuod ng Sleeping Beauty e!
Julia's Pov
Hmm...Kainis bakit parang ang ingay ng paligid ko? Ayoko pa gumising pero ang daming istorbo sa pagtulog ko! Ang ganda kaya ng panaginip ko. Sobrang ganda na tipong sana totoo na lang.
Tinanong daw ako ni Darren demon kung pwede ba niya akong maging girlfriend tapos sumagot ako ng oo at nakita ko for the first time 'yung kakaibang ngiti niya na lalong nagpalabas ng kagwapuhan niya! Hindi maipaliwanag 'yung saya niya maging sa akin din. Shemay! Akala ko ang corny nun pero nakakakilig pala!
"Will you be my girlfriend, Julia Marie Mendoza?"
Jusko Lord! Sana totoo na lang 'yun at hindi panaginip! Tinanong niya raw ako nun tapos...tapos tinawag niya ako sa buong pangalan ko at hindi Stupid Amazona! Kinikilig akooooo! Huwag kayo maingay.
"Gising na Julia!"
"Ms. President! Gising na oh! Nandito na ang mga gwapo! Lalo na ako!"
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...