Julia's PovHindi pa rin masyadong naglo-loading ang utak ko. Naka-awang din ang bibig ko dahil sa pagkagulat at pagkamangha na makita ulit siya.
Tinignan ko ang kabuuan niya...
Shemay! Mas lalo siyang gumwapo!
Crush ko pa rin siguro ang lalaking 'to. Don't get me wrong ha? Crush lang naman e, may Darren demon nang sumanib sa puso ko.
"Can we talk? Let's go to coffee shop, what do you think?" Mas lalong naging manly ang boses niya. May pagka-husky din. Epekto siguro ng kakalanghap ng malamig na hangin.
"Juls? Are you still in the state of shock? Sorry but I'm the man of surprises." Tumawa naman siya na mas lalong nagpa-cool sa kaniya. Huhuhu englishero na siya bes! Mapapasabak ako sa english.
"Nasa Pilipinas ka na ulit, pwede ka nang magsalita ng tagalog," payo ko sa kaniya. "As you wish," tanging sabi niya at naglakad na kasama ko. Sumakay ako sa kotse niya at tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop.
Um-order naman siya at sinabay na rin ako. Wala naman akong kaalam-alam sa iba't ibang kape, 3 in 1 lang ata. Inabot na sa kaniya 'yung order niya at napatingin naman ako sa server na todo ang pa-cute kay Kevin. Nasobrahan siguro sa kape kaya ganiyan ang epekto, tsk.
Kung sa bagay, gwapo si Kevin. Mas lalo siyang pumuti at medyo nag-mature ang pananamit niya at ang ayos niya pero astig pa rin siyang tignan. Sa loob ng isang buwan, marami nang nagbago sa kaniya pero isa lang ang hindi, ang pagiging mabait niya. Kaya crush ko siya e. Hahaha!
"Done checking me out? Hahaha! Hihintayin mo pa atang lumamig ang kape mo," naiiling na sabi niya kaya medyo napahiya ako. Mahilig din pala siyang mang-asar.
"Tss. Kapal ha. Anong sumanib sa'yo at umuwi ka ng Pilipinas? Pinatapon ka 'no?"
"Ayaw mo ba akong makita? Hindi mo ba ako na-miss?"
"Ha? Syempre na-m-miss!"
"Good! Mabuti at na-miss mo ako kahit hindi kita na-miss-Aray!" daing niya nang hampasin ko siya sa kamay. "Na-miss kita nang todo diyan! Tipong bawat araw iniisip ko kung kailan ka babalik tapos hindi mo ako nami-miss! Aba mantinde!" inis kong sigaw sa kaniya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.
May mali ba akong nagawa? Baka sabihin niya feeling close ako? Ehh close naman kami! Bahala na nga.
"You did that? Everyday, you think about me?" hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango naman ako as a response. Laking gulat ko naman nang bigla niya akong yakapin.
Siya ata ang feeling close? As in close na close.
Pero in fairness mabango siya. Makahingi nga ng pasalubong. Marami sigurong pabango 'to e. Imported!
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at muling bumalik sa upuan niya, "Sorry Juls. I was just amazed and glad. Hindi lang pala ako ang mag-isang nakaka-miss."
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...