Julia's PovNasa kapahamakan ako ngayon pero ramdam ko na ligtas na ako dahil nandito na siya. Si Darren demon na isang anghel ko. Ironic 'no?
"Stop threatening me Darren. Isang maling kilos mo lang, pareho kayong mapapahamak. Isang pitik ko lang, marami ng nakatutok na baril sa kaniya," nakangising banta ni Cassandra. Nakita ko ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ni Darren demon.
Wala akong magawa sa oras na 'to. Naka-upo lang ako sa sahig at kaunting hampas na lang, knock out na ako. Hinang-hina na ako pero kapag tinitignan ako nila Kasey at Joy, pinipilit kong ngumiti.
Nandoon pa rin sila sa gilid at basang-basa na sila. Hinataw din sila ng latigo pero tinigil din agad nang mataranta si Cassandra sa biglaang pagdating ni Darren demon.
Dahil sa akin, nadamay ang mga kaibigan ko.
"You have a choice Darren. Lumayo ka sa tabi niya at pumunta rito sa gitna. Walang mangyayaring masama sa kaniya once na sumunod ka. Or babarilin namin siya kahit nandiyan ka pa sa harapan niya? For sure, hindi mo masasalo lahat ng bala." Tumawa naman siya nang malakas.
Kumukulo na talaga ang dugo ko sa babaeng iyan! Baliw na siya!
Natahimik lang si Darren at maya maya pa ay lumakad na siya. "Darren demon..."
"I'll be okay." Ngumiti siya sa akin at saka lumakad na papunta sa gitna. Nag-aalala ako sa kaniya, kinakabahan ako. Masama ang kutob ko rito.
"Good! Hays. Kung minahal mo lang ako, hindi na mangyayari 'to. Past is past nga pala! Vincent! Kuya Clyde!"
Heto na naman ang matinding kaba na nararamdaman ko! Kitang-kita ko na dumating 'yung lalaking tinawag na Frost kanina at si Vincent na dating dumukot sa akin. Lumapit din ang ilang kasama nila na gangster at may hawak silang kahoy. Si Frost naman ay may baril na hawak.
"Live show na action. Sana mag-enjoy ka sa panunuod mo Julia." Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Cassandra at may kasama siya na dalawang gangster. "Itigil mo na 'to please? Tumigil ka na..."
"Tigil? Sana naisip mo 'yan nung nilalandi mo si Darren! Sana tumigil ka na at nilayuan siya," madiin niyang sabi at sinipa pa ako. Lalayuan? Kaklase ko kaya si Darren demon. Shunga lang!
Nakuha bigla ang atensiyon ko nang pinalibutan si Darren demon at nangunguna na doon si Vincent. Samantalang si Frost ay lumayo nang kaunti. "Long time no see Darren! Nakaka-bored sa kulungan. Surprise! Nasa harapan mo na ako ngayon!" Tumawa naman nang malakas si Vincent.
Isa ring baliw. Destiny ata sila ni Cassandra. Geez! Hindi ko ma-imagine kapag nagkatuluyan sila sa Mental Hospital.
"Ahh. I'm so surprise," bored na sagot ni Darren kaya nainis si Vincent. "Tarantado ka talaga Darren Sandoval! Simulan na natin 'to!"
Naestatwa na lang ako nang makita na sumugod na si Vincent. Agad naman siyang nasalag ni Darren demon at mabilis na sinuntok. Nakakatakot ang aura ni Darren demon... ang talim ng tingin niya na parang papatayin ka niya.
Napanganga na lang ako nang sunod-sunod na sinutok ni Darren demon si Vincent. Hindi na niya binibigyan ng chance na sumugod si Vincent. Bawat suntok niya, akala mo lilipad na ang mukha ng kalaban niya. Makaalis lang kami rito, isasali ko si Darren demon sa boxing. Malay natin, maging pambansang kamao rin siya.
"S-Sugurin niyo!" sigaw ni Vincent nang mapahiga na siya. Napasinghap ako nang pinagpapalo sa likod si Darren demon ng mga tauhan ni Vincent kaya natumba siya. Tumayo na agad si Vincent at pinunasan ang nagdurugong labi at pisngi.
Hindi na nagawang salagin ni Darren demon ang mga palo sa kaniya dahil sunod-sunod ito at marami ang humahampas ng kahoy sa kaniya. Madadaya sila! Hindi patas lumaban!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...