Chapter 18: The Deal

13.9K 506 45
                                    


Matthew's Pov

Shit. Ang sakit ng paa ko dahil kay Renz. Shete! Hindi ako maka-move on doon ah! Naglo-lollipop pala ang lalaking 'yon. First time ko lang siya makitang may hawak na lollipop. Pfttt.

"Prince Matthew. Date tayo, please?" pakiusap bigla ng babaeng nasa kanan ko. Maganda siya kaya pwede na.

"Alright honey." Kinilig naman siya bigla nang kindatan ko siya. May humatak na naman sa akin bigla kaya napalingon ako sa kaliwa ko.

"Tayo rin Prince Matthew. Mag-date rin sana tayo. Birthday gift mo na sa akin, please?" Pagbigyan na nga tutal once in a lifetime lang mangyayari ang gan'tong pinaka-special na event sa buhay niya, ang maka-date ang isang Matthew Kyle Ybanez, "As you wish honey."

Jeez! Sana lang marami akong time. Tsk. Hirap pala maging gwapo na loyal. Yes, loyal ako sa mga honey ko. Endearment ko sa kanilang lahat 'yan. Hindi ako mahilig magkabisa ng pangalan ng mga babae ko kaya iisa na lang ang tawag ko sa kanilang lahat. Gwapo ako pero mahirap ako sa memorization.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang hilain ako ng babaeng nasa kanan ko kanina, "Sa akin kaya muna siya makikipag-date. Excuse me, ako ang nauna!"

"What? No way! Bukas ka na lang. Mag-ipon ka muna ng pera pang-date niyo. Akin muna siya!" Hinila naman ako pabalik nung isa. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para pigilan sila sa paghila sa akin. Tumigil naman sila pero patuloy pa rin ang pagtatalo nila. Um-exit na agad ako habang nasipol dahil nag-aaway na sila. Ayokong makita na may mga babaeng nag-aaway dahil sa akin.

Nakasalubong ko bigla si Darren na sinusundan naman ng mga fans niya. Teka, saan siya nanggaling? Daming babaeng sumunod sa kaniya ah. Makapunta nga rin doon!

"Saan ka pupunta?" Hindi ko alam na stalker ko din pala 'tong si Leader.

"Sa pinanggalingan mo."

"Ahhh. So pupunta ka sa tyan ng Mom ko?" Nginisian niya naman ako kaya napasimangot na lang ako. Langya! Pilisopo.

"Wait, si Renz nakita mo?" Baka kasama nila Jin at Darious? Hindi naman siguro. Baka nasa canteen na naman.

"Nasa canteen siguro, nabili ng lollipop." Napatawa agad ako nang mahina habang si Leader ay naka-poker face naman kaya tumigil na ako. Kill joy din 'to.

"Hindi man lang ako sinamahan sa pagtawa. Anyway, nice one Leader! Bagsak ka ulit sa exam. Maintain lagi." Pang-aasar ko sabay tapik pa sa balikat niya. Nag-iba bigla 'yung expression ng mukha niya kaya napatigil ako sa pang-aasar. Shit! Ang sama na naman niyang tumingin.

"Compliment 'yon," patawa-tawa kong sambit.

Akala ko ay sasapakin niya na ako pero tinapik niya lang pala 'yung balikat ko, "You too. Bagsak ka rin naman. Insulto 'yan." Tumawa siya bigla kaya gumaan ang pakiramdam ko. Wait, nakakapanibago siya ah! Lagi siyang galit kapag inaasar 'yung mga score niyang puro bagsak.

"Wow ha! Nang-asar ang mas bagsak. At least may score ako at gwapo ako. Iyon lang ang mahalaga doon," pagyayabang ko sa kaniya. Umiling lang si Leader at saka tumawa nang mahina.

Laugh means yes.

"Teka Leader, hindi ka na ba badtrip ha?" curious kong tanong dahil baka mamaya ay badtrip pa pala 'to tapos inaasar asar ko na. Kanina pa kasi 'yan badtrip, inilabas niya lang 'yung pagka-inis niya nung umalis na si Ma'am Leona. Sinuntok niya 'yung desk niya saka pinagsusuntok niya 'yung mga haharang sa daan niya. Inawat siya ng mga school officer pero wala rin silang nagawa dahil natakot sila kaya hindi na rin sila umawat at nag-sumbong.

Tsk. Pabigla-bigla talaga siya sa mga kilos niya kapag galit siya. Mabuti na lang ako, biglang gwapo lang nang ipinanganak ako.

"Hindi na siguro. Guess why?"

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon