Chapter 9: Gang

18.5K 633 75
                                    

Julia's Pov

Stress free day na! Matapos kong mag-facebook, i-mention at i-tag si Darren demon sa mga memes ay nagkaroon na ako ng peace of mind

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Stress free day na! Matapos kong mag-facebook, i-mention at i-tag si Darren demon sa mga memes ay nagkaroon na ako ng peace of mind. Pending nga lang ang mga tag ko dahil hindi kami friends sa facebook at naka-private siya.

Sana i-delete niya na sa facebook 'yung video ko. Swear, kapag hindi niya pa dinilete, siya at siya lagi ang tatawagin ko kapag may reporting kami. Grrr!

"Nandito na tayo sa wakas! Ano ba Julia? Para kang may jowa, hindi mabitawan ang phone."

"Kapag binitawan ko 'to, malalaglag. Sentido common Kasey."

"Whatever!" Sumuko rin kakadada si Kasey. Itinago ko na lamang ang cellphone ko at hinintay na bumukas ang gate ng bahay nila Joy.

Nag-brainstorming kami kahapon about 'weekends' trip' at napagdesisyunan naming tumambay sa bahay nila Joy. Girls talk at party-party in our very own way ganun.

Iisa lang kami ng sub-division at kanto-kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin. No hassle kapag may biglaang meet-up. Hindi na katakha-takha na always kaming magkakasama. Para ngang magkakamukha na kami. Char!

"Nandito na pala kayo. Mahimbing pa ang tulog ni Joy. Puntahan niyo na lang sa kwarto niya," malambing na bungad sa amin ni tita Janice, mommy ni Joy na looking so young pa rin.

"Sige po tita!" Magkasabay na kaming umakyat ni Kasey at pumasok sa mala-fantasy world na kwarto ni Joy.

Kung sino mang papasok dito ay parang babalik sa childhood days. Combination of light and dark pink ang kwarto ni Joy. Each side ng kwarto niya ay may naka-display na stuffed toys, cartoon characters at disney princesses.

"Mahimbing ngang natutulog si Joy." Sino bang hindi sasarap ang tulog? Sobrang lambot at gawa sa cotton ang kama ni Joy. May yakap-yakap pang human-size teddy bear.

"Gisingin natin siya~" Uh-oh. May iniisip na namang kalokohan si Kasey. And swear, siya ang isa sa pinaka-effective sa pambubulabog!

"WAKE UP JOOOOY! MAY SUNOG! WIWOOOO~ WIWOOOO!"

"MARY JOOOOY! NASUSUNOG NA LAHAT NG GAMIT MO! WE NEED TO EVACUATE! HEAR ME? WE NEED TO EVACUATE, NOW!"

Hindi ko siya kasama. Hindi talaga.


Joy's Pov

(Dreaming)

Kasayaw ko ngayon ang aking prince charming. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara. Na-realize ko bigla, ang engot pala niya. Hindi naman 'to masquerade party pero nakamaskara.

Papangaralan ko na sana siya ngunit tumunog bigla 'yung malaking orasan. Waaah! 12:00 am na!

Binitawan ko na ang kasayaw ko at kumaripas ako ng takbo palabas ng palasyo. Mas lalo kong binilisan dahil sa hindi ko malaman na dahilan, hinahabol ako ng prince charming ko!

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon