Julia's Pov"Walang modo! Mapudpod sana ang gulong mo!" singhal ko sa driver na hindi ko man lang nakita dahil naka-helmet at balot sa makapal na jacket ang katawan.
Lasing ba 'yon? Tanghaling tapat ang lakas na ng amats, ah.
"Miss, are you okay?" Napatingala ako sa nagsalita at natulala sa babae.
Mala-anghel ang ganda niya. Maputi siya, ang classy manamit at maayos pa na nakakulot ang dulo ng kaniyang buhok.
"You need help? Madumi riyan oh," aniya sabay walang arte na inalalayan ako at tinulungan pagpagin ang alikabok sa aking pantalon.
"Nasaksihan ko 'yung nangyari. What a reckless driver! Nasugatan ka ba?"
"Ah, hindi naman... Huwag mo na akong hawakan. Madumihan ka pa."
Hiyang-hiya ako sa white fitted-dress niya. Nagmumukha akong mantsa.
"Halika. Hugasin natin 'yang kamay mo," alok niya. "I'll treat you too. Ice cream is the best. 'Yun ang ibinibigay sa'kin ng dad ko whenever I have bad days."
Napahawak ako sa batok at alinlangan na tumingin sa kaniya. "Ah... ano."
Pilitin mo pa ako.
"Tara na. Sandali lang." At iyon na nga, nagpatangay na ako.
Bumili siya ng alcohol at hindi ko lubos maisip na ito ang ideya niya nang sabihin kanina na huhugasan ang kamay ko.
Pinang-huhugas niya lang ang alcohol.
Nahiya na naman ako. Kung kanina mistulang ako 'yung mantsa, ngayon germs na.
"Magnum you want?" tukoy niya sa ice cream.
"S-Sige. Basta libre 'yan ah."
"Of course."
Malapad akong ngumiti at tinanggap ang unexpected na biyaya.
"Salamat ah," magiliw kong sambit at nilahad ang kamay. "Julia Marie Mendoza nga pala. Ikaw?"
"I'm Cassandra. Nice to meet you Julia." She smiled.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto at nang maubos ko na ang ice cream ko, naalala ko bigla na may pupuntahan pa nga pala ako.
"Alis na ako. Salamat ulit sa pagtulong mo."
"Sure! I hope we meet again."
Kumaway ako at iniwan na siya sa convenience store. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa meeting place namin ni Kevin.
"Phew! Sorry, late!" bulalas ko after maka-upo sa tapat niya habang habol ang hininga.
"No problem. Naka-order na ako ng pagkain."
"Huh? Ano bang mayro'n?" inosente kong tanong.
"Date."
Tila mas kinapos ako sa hininga. Napansin niya ata ang gulantang kong itsura kaya mahina siyang napatawa.
"A friendly date, Juls," paglilinaw niya. "About sa panliligaw na sinabi ko, don't mind it. Sadyang padalos-dalos lang siguro ako. Nabigla tuloy kita..."
"Ibig sabihin, biro lang 'yon?"
Bahagya siyang yumuko. "S-Siguro..." hirap niyang tugon.
Pilit akong tumawa. "S-Sabi na e! Ikaw ah, pinakaba mo ako!"
Bigla akong nailang. Sakto dumating ang pagkain namin kaya na-distract kami pareho.
"Juls," tawag ni Kevin. "I'd go straight to my point. Gusto kitang makausap ngayon para personal akong makapag-paalam."
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...