Julia's Pov"MODULE?!" histerya ko.
Inistorbo niya ako—kami, para lang bigyan ako ng lintik na module?!
"Sagutan mo. This one is pointers to review. Pag-aralan mo at ituro mo 'yan sa akin mamaya," hirit niya pa.
"Sobrang halaga nga ng sasabihin at ibibigay mo! What if punitin ko 'to?" sarkastiko kong tanong.
"That's for my remedial exam, and yes, it is freaking important." He smirked. "Remember, may usapan tayo. Tutor me, and in return, you'll get your favorite dessert."
Napairap ako. "Tingin mo maniniwala pa ako? Napatunayan ko nang scammer ka."
"Pumunta ka sa bahay bukas. Eat all you can ice cream as what I've promised. Kahit mag-uwi ka pa. Kung kaya mo, isama mo na rin 'yung refrigerator."
Napa-isip ako saglit. Ugh! I can't resist! Weakness ko 'yun e!
"It's a win-win trade. Think again, Stupid Amazona," gatong niya pa.
"Fine! Tutulungan kita sa module mo at pupunta ako bukas... pero, mag-sorry ka dapat kay Kevin. Apologize to him—"
"It's out of our deal," mariin niyang sagot at tumuwid na ng tayo. "May practice pa ako. I'll wait you tomorrow."
Ngumisi siya ulit at arogante nang lumakad palayo.
***
Kinabukasan, gaya sa napagkasunduan, pumunta ako sa mansyon ng mga Sandoval. Inasikaso ako ng tatlong maid sa sala at doon ako naghintay. Alerto akong naka-upo sa sofa dahil padaan-daan si Dexter.
Masama kutob ko sa batang pasaway na 'yan. Mabait ako sa bata, pero napatol din ako kung suwail. Patago nga lang, baka magsumbong.
"Hindi ka nagsabi na nandito ka na pala." Nilingon ko ang sumulpot na señorito.
Nakasuot siyang loose na black jacket at sweatpants. Tanghali na, pero mukhang kakagising niya pa lang.
"Expected mo na dapat na pupunta ako. Hindi naman tayo textmate para sabihin kong ‘wer na u? D2 na me. Pls. reply asap,'" pambabara ko.
Umismid siya at masama ang loob na umupo sa tapat ko. May table sa pagitan namin at nakalapag na rito ang mga printed module, pointers to review at sample questionnaire na ako mismo ang gumawa.
"Tapos na 'yang module mo. Now, iri-review natin 'yung sagot. Then, sagutan mo rin 'yung questionnaire ko base sa pointers to review."
Isa-isa ko pa lamang ipinakita ang mga kailangan niyang sagutan ngunit magkasalubong na agad ang mga kilay niya.
It's already a sign na mahihirapan ako ulit i-tutor siya.
"Gusto mo ng motivational information?" bigla kong tanong at malapad na ngumiti.
"What motivational information?"
"Share ko lang. Si Kevin nag-take rin ng exam at lumabas na 'yung result. Kahit busy siya sa basketball practice gaya mo, ang taas ng score niya!" proud kong balita. Naningkit ang kaniyang mga mata na 'di ko mawari kung nagalit siya o ano.
"Ano ang overall score?"
"199 over 200! Ang galing, right? Say ‘sana all’ para ganiyan din ang score mo."
"Tss. You're already proud of that? May mali siyang isa!"
This time ako naman ang ngumisi. "At least, highest siya. Highest," emphasized ko.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...