Julia's Pov"Nakakabinging katahimikan," mahina at nagrereklamong bulalas ni Kasey na hindi na ata nakayanan na hindi magdaldal.
Science time namin ngayon. Isang normal na scenario sa subject na ito ang pananahimik ng halos lahat. Gusto ni Ma'am Leona na makinig at tutok kaming lahat sa sinasabi o itinuturo niya.
Strict at terror si Ma'am Leona, but she's my favorite teacher. Aside sa magaling siya magturo, gusto ko ang pagiging 'no to favorism' idea niya. She can handle a class with discipline. Nasasaway at minsan napapasunod niya rin ang mga estudyanteng may hindi kagandahan ng ugali, best example na lamang diyan ay si Darren demon.
Pero kahit favorite subject ko ang Science at favorite teacher ko si Ma'am Leona, madalas ko pa ring abangan na matapos na agad si Ma'am sa pagtuturo upang makakain na ako.
Isa rin ako sa mga abangers ng break time at dismissal time.
Muli akong tumingin sa digital clock na naka-display sa itaas ng pader. Hindi naman inaasahan na naagaw ang atensyon ko sa likurang part ng room at hindi nakatakas sa paningin ko ang ginagawang kalokohan ni Darren demon.
Nilalagyan niya ng kung anu-anong dumi or punit-punit na papel ang ulo at buhok nung babaeng nasa harapan niya.
Sa sobrang bored niya, pati ulo at buhok ng kaklase namin ay pinagti-tripan! Kung nililisaan or kinukutuhan na lang niya 'di ba? Edi mas better!
Heto namang dalawang tropa niya, hinahayaan lang siya. Si Renz walang pakialam habang si Matthew ay halatang nagpipigil ng tawa. Maging si Darren demon mismo ay hindi na napigilang tumawa sa sariling kalokohan.
And charan! Naagaw nila ang atensyon ni Ma'am Leona at ang buong klase.
"Mr. Sandoval, why are you laughing? You are disturbing the class!" dikit ang kilay na tanong ni Ma'am Leona.
"Is there any rule that prohibited student's right to express his emotion?" pabalang na tugon ni Darren demon na mas nakapagpatindi ng tension sa pagitan nila ng aming guro.
"None so far. But thanks for asking, I would like to make a class rule regarding that." Boom bars! Pansin na pansin tuloy ang pagka-inis ni Darren demon. Well, Ma'am Leona for 3 points!
"Now back to my question. Why are you laughing?"
"Wala," tipid at walang buhay na sagot niya, "Wala ka nang pakialam doon."
Savage! Ang lakas ng loob ni Darren demon na pabalang sumagot sa mas nakakatanda sa kaniya. Hmm... Kailangan maturuan ng leksyon!
"Ma'am!" Itinaas ko ang aking kamay at walang alinlangan na isinumbong si Darren demon. "Si Sandoval po, nilalagyan niya ng dumi 'yung ulo at buhok ni Karen. Kanina ko pa po napansin na may ginagawa siyang kalokohan habang nagtuturo po kayo."
At dahil sa sinabi ko, parang bulkan na sasabog anumang oras ang aming guro. Samantala, naging aware naman si Karen at nahihiyang tinanggal niya ang mga duming nakalagay sa ulo niya.
Imagine, nag-shampoo ka at nag-conditioner. Ilang timba ng tubig ang ibinuhos mo sa buhok mo tapos lalagyan lang ng kung anu-anong dumi! Kung ako iyan, inipon ko ang duming nakuha ko at ipapakain kay Darren demon!
Marami talaga akong ipinaglalaban.
"Mr. Sandoval later you will go to the detention room! And before that, answer the question on the board!" Yes! 2 hours na parusa iyon, ngiting tagumpay tuloy ako. Nabigyan ko ng hustisya ang buhok ng kaklase ko. Pasalamatan niya ako later.
Napipilitang napatayo si Darren demon at ilang segundong tinitigan ang tanong sa board. "For that damn question, I don't waste my time to think for an answer-"
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...