Chapter 55: Renz's Plan

10.5K 406 17
                                    


Julia's Pov

"Bakit ka nakatulala, Julia?" rinig kong usisa ni Joy. Recess na kaya narito kami sa canteen at kumakain.

"Puyat ka ba kagabi? Sulit naman, ah. Nanalo pa rin tayo at successful ang naging event," ani Kasey.

Bumalik ako sa wisyo at sumimsim ng iced coffee.

Totoong puyat ako kagabi dahil ginabi na kami sa school. Nagligpit kami ng mga gamit. Nagkaroon din ng awarding at pangalawa ang booth namin sa may pinakamataas na overall income sa lahat ng kahalok.

Nakatanggap kami bawat isa ng medalya. Bukod pa 'yon sa incentives namin. Mamaya nga ay pinapapunta ako ni Ma'am Torres sa faculty room para pag-usapan ang tungkol doon at para na rin kuhain 'yung mga medal ng ka-grupo ko na hindi na nakadalo sa awarding dahil uwing-uwi na.

"Hoy!" bulyaw ni Kasey. "Lalim ng iniisip, ah?"

Si Darren demon ang dahilan nito!

Ginugulo niya ang isipan ko. Natutuliro na ako kakaisip ng sinabi niya sa'kin kahapon. Nakalimutan ko pa ang exact word na sinabi niya kaya hirap akong itanong 'yun sa iba.

"C-Curious lang ako... kung may nunal ba ang isda. Kung nagsasara ba ang nunal niya, kasi 'di ba... hindi natin nakikita?"

Natigil sila sa pagkain. Natulala rin sila at saka napakurap.

"Nag-aadik ka ba Julia?" taas-kilay na tanong ni Kasey.

"Adik si Julia?" inosenteng usisa naman ni Joy.

"Malay ko ba riyan! Na-stress ako bigla sa sinasabi niya!"

Naka-relate din sila sa'kin.

Damay-damay lang 'yan. Naniniwala kasi ako na kapag may problema ka, bigyan mo rin ang iba.

Minabuti na lamang namin na tapusin na ang kinakain. Tumayo na rin kami agad at nagtungo sa restroom.

Huminto ako sa gilid nang mag-ring ang cellphone ko at napag-alaman na tumatawag ang pinsan ko.

"Si Joshua. Tahimik muna kayo," suway ko nang dumikit sila sa akin na tila sumasagap ng tsismis.

"Bakit ka natawag, Joshua?"

[Na-miss ko ang pangit mong boses.]

Humagikgik ang dalawa kong kaibigan.

Umismid ako sa ibinungad ng pinsan kong kabute.

"Minsan ka na nga lang makausap, gan'yan pa! Palibhasa alam mong walang mailait sa'yo pabalik, e!" angil ko.

[Good you know. Anyway, gusto mo ba magbakasyon ng ilang araw? Ayain sana kita sumama sa photoshoot at modeling ko sa Cebu at Boracay. Balita ko hindi ka pa nakakalayo ng pinupuntahan.]

Natawa siya, halatang nang-aasar pero tama naman.

Sa tagal kong nabubuhay, paulit-ulit lang ang napupuntahan ko.

'Pag ako nagkaroon ng milyon wantawsan dollars, iikutin ko talaga ang buong mundo! Pilipinas muna pala. Mula Batanes hanggang Jolo.

Ngayon tiis-tiis muna ako sa sarili kong mundo.

"Tinatanong pa ba 'yan, Joshua? Syempre, gusto ko! Acads with lakads ako, 'no!"

[This week na 'yun. Prepare mo na maleta mo. Hindi ako makakauwi sa bahay n'yo, pero sana ayusin mo mga dadalhin mo.]

"Oo na! Salamat! Ang gwapo mo talaga! Mabuhay ka hanggang gusto mo!" tuwang-tuwa kong bigkas.

[Yeah. No prob, pangit. Bye, Baby Amazona!]

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon