Julia's PovLast subject na lang at malapit nang mag-uwian. "Psst! Julia, ang boring naman," bulong ni Kasey at saka humikab.
"Kaunting tiis na lang, mag-uuwian na. Manahimik ka na lang diyan," saway ko dahil kanina pa siya daldal nang daldal kahit bored na bored na siya.
"Eeeh! Magkwento ka na lang kung paano at bakit ka naging tutor ni Darren! Gosh! Kinikilig ako!" Pinanggigilan niya pa ang hawak niyang ballpen.
"A.yo.ko," madiin kong sagot.
"Dali na... Kwento mo na!" Hays! Pasaway at ang ingay niya talaga. Ang hirap mag-concentrate!
"Okay! Manahimik ka lang. Tinawag ako ni Ma'am Leona at sinabing i-tutor ko raw si Darren demon. No choice ako dahil pumayag na siya at sabi pa ni Ma'am Leona, may plus grade raw ako," paliwanag ko with bored tone. Ang unfair talaga! I have a right to choose and a freedom to decide! Pero tinanggalan nila ako ng rights, etchos lang. Ang drama ko masyado.
"O...M...G! Ang swerte mo Julia!"
"How come? Baka malas!"
"Ang swerte mo kaya! Kung naging matalino lang ako, kahit ilan pang gwapo iyan ay tuturuan ko!" Ang hilig niya talaga sa mga gwapong lalaki. Tsk!
Maya maya pa ay nag-ring na ang bell. Nagsi-uwian na agad ang mga kaklase ko.
"Padaanin niyo si Prince Darren!"
"Gosh! Dumaan siya sa tabi ko!"
"Ang gwapo talagaaaa!"
Nang dumaan 'yung lalaki na 'yon ay naghiyawan na naman ang mga kaklase ko at mabilis na sinundan siya sa labas.
"Ang gwapo talaga ni Darren! As in super gwapo!" puri ni Kasey at tila nakislap pa ang mga mata.
"Mukhang prinsipe!" dagdag pa ni Joy.
Puro lalaki na lang ang bukam bibig nila lalo na si Kasey!
"Tss. Nga pala, uuwi na ang Dad ko and my cousin this coming days," pag-iiba ko ng topic dahil sawang-sawa na ako sa usapan na about sa grupong The Heartthrob Gangsters.
Napatalon naman si Kasey dahil sa tuwa. "Kyaaaah! It's true? I'm so excited Julia!"
"Yeheeey! Uuwi na si Kuya Joshy! Sana ay huwag niyang makalimutan ang mapa ng Pilipinas para hindi siya maligaw. Hehehe. Sana makita ko na ulit siya!" excited na sabi ni Joy. Tawag ni Joy kay Joshua ay Joshy. Kaya naman kinikilig si Kasey ay dahil crush niya ang pinsan ko.
"Gosh! Can't wait to see him! Kyaaaah!" Napaka wild talaga kiligin nitong si Kasey. Sakto namang dumaan si Matthew na mukhang hinahabol ang masungit niyang kaibigan na si Renz.
"Naks! Dumaan lang ako, tumili ka na? Kinikilig ka Baby Megaphone 'no?" Kumindat pa 'yung Matthew kay Kasey na halatang nang-aasar. Psh! Mayabang na assuming pa! Ang corny din ng endearment nila ha! 'Baby' thingy, psh!
"Sadyang magaling ka lang tumayming! Pero sige! Kinilig na ako dahil nakita kita. Super kilig na kilig nga ako e!" Ngumiti pa si Kasey pero halata namang sarcastic lang ang sinabi niya. Kahit ganiyan ang inaasta niya, alam kong ultimate crush niya pa rin ang playboy na 'to.
"Aww! Napaka honest mo naman pala Baby Megaphone. Sige, alis na ako ha! Bye!" paalam niya pero huminto siya saglit at lumingon kay Kasey.
"By the way, bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil nakita kita. I love you! Bye Baby Megaphone!" Ngumisi pa siya bago tuluyang umalis. Ang corny, swear! Pero hetong si Kasey, namula bigla ang mukha! Lakas ng impact ng sinabi nung playboy na 'yun.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...