Matthew's PovSa wakas, nakapagpahinga rin! Last day na ng mga booth ngayon. Tumakas lang ako sandali para masulit ko ang pahinga.
Siguradong mapapansin na wala ako sa booth namin. Ako lang naman ang gwapo roon kaya madaling mapansin.
Sa tree house ako tumambay at agad na sumalampak sa sofa. Nasa lapag si Jin. Natutulog na naman ang walang hiya.
"Hoy unggoy! Nabalitaan namin na masipag at abala ka sa booth n'yo, ah. Ikaw ba talaga 'yan?" natatawang tanong ni Darious.
Maka-unggoy ang gorilla na 'to! Palibhasa tambay lang dito kaya walang pinagkaka-abalahan.
"Oo ako talaga 'to. Alam kong lalo akong guma-gwapo. Ikaw lang naman ang hindi," ganti ko.
"Gagong unggoy! Dapat hindi ka na nagpakita rito."
"Sus. Miss mo nga ako!" I smirked. "Teka. Si Leader, wala rito?"
"Nakikita mo ba, ha?"
Tarantado talaga ang gorilla na 'to. Ipakain ko sa kaniya 'yang lata na iniinuman niya, makita niya talaga na hindi dapat pinipikon ang gwapong tulad ko. Tsk!
"Lumayas ang maiingay. Mga istorbo," parinig ni Renz.
Nagsalita ang dapat wala rito. Ang alam ko, siya ang leader sa booth nila. Tsk. Pabaya! Pasarap buhay dito habang nagla-laptop.
Dahil na-curious ako, palihim kong sinilip ang ginagawa niya. Kaso may lahing ninja ata 'tong si Renz kaya naramdaman agad ako at mabilis na isinara ang laptop
Tama ba ang nabasa ko? Parang Kevin Fuentes 'yung nakita kong pangalan. Woah! Interesado ang loko sa kaaway!
"Sino 'yang ini-stalk mo?"
"None of your business," pagsusuplado niya. Nanliit ang mga mata ko.
Ilang minuto lang, napabalikwas ako sa aking kinauupuan dahil sa padabog na pagbukas ng pinto. Nagising naman si Jin, hindi dahil sa ingay, kundi dahil natapakan ko ang braso niya. Medyo tanga siya. Hindi umiwas.
"It's fucking frustrating!" singhal ni Leader matapos maupo sa katapat na sofa. Nakasuot siya ng jacket ngayon. 'Yung mga kamay niya nakapasok sa bulsa nito at nang ilabas niya, nalaman ko na agad ang dahilan.
Tinatago niya ang kanang kamao niya na may bandage.
"Napa-away ka, Leader?" usisa ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
Nahuli ko namang ngumisi si Darious. Lintek talaga!
"Nakaraang araw 'yan. Nag-practice si pinsan sumuntok sa pader. Gusto mong mag-volunteer tutal nandito ka na rin naman?" sagot ni Darious kahit hindi siya ang kausap ko.
Sipsip na gorilla!
"What's bothering you?" tanong ni Renz, halatang interesado. Binalingan siya ni Leader na ngayon ay nag-aalis ng bandage niya.
"I've realized something. It's fucking weird."
"Mind to elaborate?" Umayos ng upo si Renz. Pati 'yung dalawa.
Mukhang seryosong usapan 'to, ah.
"Remember the championship game last day? Hindi 'yung laro 'yung gusto kong maipanalo at hindi 'yung bola ang gusto kong maagaw," seryosong saad ni Leader habang nakatingin lang sa kamao niya.
"Oh? E, ano?" Ako na ang naunang nag-react. Wala kasing ma-comment 'yung tatlo.
"Bobo magtanong. Dapat sino. Obvious na rin sagot doon," pambabara ni Jin na sana sa mukha ko na lang natapakan kanina.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...