Chapter 6: Darren Demon

18.9K 671 79
                                    


Julia's Pov

Bumalik na kami sa room at nadatnan ko ang maingay at magulo na klase. Hindi ko na sana papansinin pero may kumuha ng atensyon ko. Isang malakas na kalabog ang aking narinig at kasabay non ay ang malalakas na tawanan.

Dumako ang tingin ko sa likuran. Nakita ko ang classmate kong babae na nakasalampak na sa sahig. Pinagtatawanan siya at nangingibabaw ang tawa nung demonyo at babaerong lalaki.

Sila ata ang may pakana. Marahil hinila nila ang upuan ng classmate namin.

Akala ko magagalit ‘yung babae pero pinili na lang nito tumayo mag-isa at tumakbo palabas. Grabe ang ginawa sa kaniya! Napahiya siya.

Naningkit ang mga mata ko. Mas nakuha pa nilang pagtawanan kaysa tulungan? Heto namang iba, game na game rin sa trip ng mga loko-loko.

Pasugod na sana ako kaso pinigilan ako ni Kasey. “Hayaan mo na sila Julia. Baka ikaw ang pagtripan. Para kang nasa gyera na susugod. Baka mapahamak ka!"

“Magdala ka muna ng baril at kanyon Julia. Dapat handa ka kapag susugod," hirit din ni Joy.

“Aawatin ko lang at pagsasabihan. Kung gyera man ang pagsugod sa kanila, pwes! Ready to action ako!" puno ng determinasyon na tugon ko.

“I'm a feminist. I stand to empower the rights and justice for women." Pumalakpak ang dalawa kong kaibigan.

“Part ka talaga ng justice league, Julia!"

“I'm so proud! Ipaglaban mo!"

Pinush na nila ako na puntahan ang likurang pwesto. Buong tapang akong tumayo sa harapan ng mga pasaway na lalaki at pinukulan ng masasamang tingin.

“Para kang poste." Nag-angat ng tingin sa akin ‘yung demonyong lalaki at nginisian ako.

Ako poste? May poste bang naka-uniform? May poste bang naglalakad at nag-aaral? Shunga siya!

“Bakit mo ginawa kay Miles iyon? Pinagtawan niyo pa. Hobby niyo bang manakit ng feelings ng babae? Lalo ka na Ybañez!" Pinasadahan ko ng tingin ang pa-inosenteng babaero.

Sinaktan niya si Kasey, oo hindi intentional pero nasaktan pa rin ang best friend ko. Pati na ang mga babaeng napaasa niya.

“Parang may sama ka ng loob sa akin, Ms. President? Tumawa lang ako," depensa nung Matthew.

“This is a warning. Lalo ka na! Dapat mag-sorry ka," sermon ko sa leader ng grupo nila.

“Ikaw dapat ang mag-sorry. You command as if you are superior than me." Halata ang pangmamaliit niya sa akin. Mas nainis tuloy ako.

“Wala akong pakialam kung feeling mo superior ka, inferior, exterior o interior! Gusto ko lang, mag-sorry ka! Mahirap ba iyon?"

“Relax Ms. President. Baka pumangit ka. High blood masyado!" sabat nung Matthew.

Natatawang tumayo ‘yung demonyo at mapang-asar akong tinitigan. “Baka pumangit? Pangit na talaga siya, Matthew. Lumalala pa."

What?! Kanina poste, ngayon pangit?!

Hindi pa ako nasabihan ng mama ko ng pangit. Kahit ang buong angkan ko! At naniniwala akong maganda ako dahil iyon ang sabi nila sa akin. Ang lakas ng loob niyang laitin ako!

Una pa lang talaga, kumukulo na ang dugo ko sa lalaking ito. Unang pagkikita namin, ramdam ko na ‘agad yung lukso ng dugo.

Dugong kumukulo sa galit!

“Bakit ka kaya iniidolo? Ang sama naman ng ugali mo. Prince Darren? Ha! Mas bagay ang Darren demon!" singhal ko mismo sa kaniya.

Napansin ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Wala siyang sinabi pero ramdam kong nainis na siya.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon