Joy's Pov"Waaaaah! Sama ako! Pahingi ticket!" maluha-luhang kong pakiusap kay Matthew.
Ang dami kasing ticket ni Matthew na ride all you can sa Enchanted Kingdom. Napanalunan niya raw sa laban nila. Kaya ayan, aalis sila ni Kasey.
"Sama rin ako! Maraming makakain doon at makakapag-enjoy pa!" dagdag ni Julia kaya pareho na kaming nangungulit kay Matthew.
"Easy! Pinagkakaguluhan niyo na naman ako."
"Ticket pinagkakaguluhan, Baby Kupal. Asummero ka," parinig ni Kasey sa boyfriend niya.
"Wala kang support sa akin. Oh sige na! Ipapamigay ko na 'yung ticket. Lahat na tayo pupunta-ahhh easy!" Kaagad kaming napatalon ni Julia sa tuwa at nag-unahan na kaming kunin kay Matthew 'yung ticket.
Oh my my! Enchanted Kingdom abangan mo kami bukas!
Julia's Pov
[The Next Day]
Ngayong araw na ang plano namin na mag-EK. Nakasakay na kami ngayon sa van na minamaneho ni Renz. Katabi niya si Darren demon na natutulog. Kami naman ni Joy ang magkatabi samantalang sina Kasey at Matthew ay nilalanggam na sa likuran namin.
Actually sina Kasey at Matthew lang dapat, pero sabi nga 'date ng isa, sama dapat ang buong barkada!' Oh hindi ba, saya-saya.
Nang makarating na kami sa Enchanted Kingdom, agad na naming binigay 'yung ticket at pumasok na. Huminto kami sandali sa Victoria Park.
"Kita-kita na lang tayo dito ng 5:30 pm. Magsosolo kami ni Kasey. Alam niyo na, date!" patawa-tawang sambit ni Matthew at hawak kamay pa silang umalis ni Kasey.
Oh edi sila na may love life!
Nawala naman na sa tabi ko si Joy kaya lumakad na rin ako paalis. Ano kaya uunahin ko? Kakain o magra-rides?
Nasa malalim akong pag-iisip nang mapansin kong nasunod sa akin si Darren. Wow, lakas makasunod sa akin parang kahapon lang hindi ako kinikibo!
"Bakit ka nasunod?"
"Kaysa wala akong kasama? Huwag ka na magreklamo na parang dehado ka pa na ako ang kasama mo." Hanep talaga! Walastik! Bahala nga siya!
Joy's Pov
Wow! Ang ganda talaga rito!
Parang nagti-twinkle ang mga mata ko! Mala-fairytale ang buong paligid.
Hmm...Nasaan kaya 'yung matabang witch? Gusto ko magpa-picture sa mascot na 'yon.
"Sunget? Alam mo kung saan nagtatago 'yung lalaking witch na mataba?" curious kong tanong kay Sunget na mukhang bored na bored habang kasama ako.
"He is wizard, not witch," pagmamarunong ni Sunget. Oo nga noh? Kasi wala pa naman akong nakikitang witch na mataba? Edi nabali na sana 'yung magic walis niya tapos hindi pa siya kakayanin na ilipad. Hehe engot ko doon ah.
Mamayang hapon ko na lang hahanapin iyon.
Ngayon, sasakay na lang ako sa mga buwis buhay na rides dito! Nakakatakot at nakakakaba!
"Renz, sure kang sasama ka sa akin? Baka atakihin ka sa puso. Adventurous person kasi ako baka hindi mo kayanin ang mga sasakyan kong rides," babala ko sa kaniya na may tonong pag-aalala.
"Ano ba una mong sasakyan na rides?" usisa niya at itinuro ko ang 'up, up and away'. Marami ng batang nakasakay doon. Nakakatuwa makita na sinu-sway ka nang bahagya na parang ikot-ikot lang.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...