Julia's Pov"Julia? Yung totoo, wala ka ba talagang maayos na damit?" problemadong-problemadong tanong ni Kasey sa akin habang winawasak na ang cabinet ko sa kakahanap ng damit na pwede kong suotin mamaya.
Sa totoo lang, kahit ano namang disenteng damit sa cabinet ko ay susuotin ko na, kahit pang-binyag ko pa 'yan kaso maliit nga lang. Hindi naman ako maarte sa pananamit, kahit butas-butas at puno ng tastas ay susuotin ko sa mga bonggang events, syempre joke lang! Nanjan naman sina Kasey at Joy para pilian ako ng maayos na isusuot 'no. Kaso sila talaga yung matagal mamili ng susuotin as if sila yung magsusuot nun haha!
Actually, hindi ko muna dapat sasabihin na ininvite ako ni Darren demon para mag-dinner at kasama pa yung pamilya niya pero hindi ako nakatiis at nasabi ko kaagad sa kanila pero sila ang hindi agad nakatiis dahil agad-agad silang pumunta sa bahay namin para lang maging updated at ayusan ako.
"Mag-costume na lang kasi si Julia! Ano bang problema mo sa suggestion ko Kasey? May kalayaan pa rin namang pumili si Julia kung anong character ang isusuot niya e!"
"Hello? Dinner 'yon with family ni Darren. Formal dapat ang susuotin. Hindi mo kasi kilala yung family ni Darren, for sure mga bongga 'yon!"
"Hello din. Alam kong dinner 'yon with family ni Darren pero pwede pa ring mag-costume! Bakit si Jollibee at Mc Donald ay naka-costume habang maraming tao ang nakain sa tabi nila? Oras-oras pa 'yon ha! Alam mo ang malala ro'n? Hindi sila nanghihingi hehehe!"
Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil hindi ko na kinakaya yung kanina pa nila na bangayan. Damit pa lang yung pinagtatalunan nila niyan pero inabot na sila nang 40 minutes at wala pa ring nasuko.
"Huwag na lang magdamit si Julia! Tapos ang usapan!" napakagandang suggestion ni Kasey with taas kamay pa na akala mo ay isang leader sa wilab organization.
"Hmm...pwede! Eva ang peg ni Julia. Kaso wala kaming dahon ng saging sa bahay, malunggay na lang para may matakpan naman kay Julia hehehe." Pwedeng sila na lang ang ihanda sa dinner mamaya? Sarap nilang katayin sa totoo lang! Kapag kalokohan, nagkakasundo silang dalawa!
Tumayo na lang ako saka hinampas ko sila ng mga damit ko na nagkalat sa sahig. "Mga baliw talaga kayo! Umuwi na lang kayo kung wala kayong maayos na suggestion. Pauwin ko kayo na mala-Eva ang style ng pananamit at pangunguyain ko sa inyo yung dahon ng malunggay diyan e!" inis kong sigaw sa kanila. Tinawanan lang naman nila ako then nag-isip na naman sila ng suggestions.
Hindi talaga ako makapag-isip nang maayos dahil yung isip ko ay kung saan-saan na napapadpad. Bigla-bigla ko na lang kasing naiisip kung ano bang mangyayari mamaya. Kinakabahan talaga ako nang sobra kahit na sabihin na nating kakain lang naman ako ro'n with matching usapang may ka-plastikan, joke lang. Naisip ko lang, masama rin kaya ugali nung mga magulang niya? 'Yung principal namin na lola ni Darren demon ay isang beses ko pa lang nakita at pansin ko kaagad na strict siya kaya snob ko lang 'yon mamaya haha!
Okay seryosong usapan, ano kayang ugali nung mga magulang niya? Namana rin kaya ni Darren demon yung itsura niya sa magulang niya or sa alaga nilang dragon? Mabait kaya sila tulad ng ugali ni ate Dianne or parang mala-Dexter at Darren din kaya ugali nila? Hays! Ayoko na nga munang problemahin 'yung ugali nung magulang niya. Ang dapat na pino-problema ko ay kung paano ko kokontrolin ang bibig ko mamaya kapag may inilapag na masarap na pagkain. Pabebe muna kaya ako kumain then kapag nakatalikod na sila ay lamon na kung lamon? Tama, gano'n na nga!
"Julia, ako mag-make up sa'yo ha!" presinta kaagad ni Joy sabay pumalakpak pa siya. Nanlaki kaagad ang mga mata ko sabay napalayo ako sa kaniya sa sobrang gulat at kaba. Jusko! Hinding-hindi na mauulit 'yung ginawa niya sa akin noon! Ayoko na!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...