Kasey's PovKanina pa kami nakain ni Joy, pero wala pa rin si Julia. Akala ko babalik agad siya? Nasaan na kaya 'yon?
“Anong iniisip mo Kasey? Iniisip mo ba kung mananalo pa kaya si Mojojojo sa power puff girls? O iniisip mo kung anong magandang hair style kay Rapunzel?" Napaka-gandang tanong niya habang nakain ng spaghetti.
“None of the above. Iniisip ko kung bakit ang tagal ni Julia, baka nawawala na siya." Lumingon-lingon naman ako at nagbabaka-sakaling makita siya. Ohmy! May gwapo pala sa kabilang table, mabuti at lumingon ako!
“Hala! Baka nawawala na nga siya! Magdikit na tayo ng mga papel sa mga poste with picture ni Julia na may nakasulat na missing!" Pwede 'yon, pero ilang oras pa lang siyang nawawala e.
“Kung ayaw mo Kasey ay ipaubaya na lang natin kay Superman o kahit na sinong superhero ang paghahanap kay Julia. Matalas ang pandinig nila na kapag sumigaw ka ng tulong ay pupuntahan ka nila agad!" Kaloka siya ha! Nai-stress ang face ko.
“Try mo muna Joy at kapag may pumuntang superhero ay maniniwala ako."
“Bakit ko ita-try? Wala naman ako sa panganib at hindi ko kailangan ng tulong ngayon! Mamaya siguro kapag hindi ko mabuksan yung bote ng ketchup ay doon ako hihingi ng tulong."
“Push mo 'yan, jan ka masaya e. Sige hahanapin ko muna si Julia. Gala rin ang isang 'yon kaloka!" Tumayo na ako at dumaan ako sa gilid nung katabing table namin para makita ko yung gwapo. Bakit kaya wala masyadong humihigit sa kagwapuhan nina Darren at Renz? Kasama pa yung back up nila na si Darious at Jin? Nevermind na lang yung isang playboy tsk.
“Kasey! Alin ba ang ipu-push ko?!" Rinig kong sigaw ni Joy. Iniwan ko na lang siya doon at hinanap na si Julia. Habang nasa corridor ako ay may nakasalubong ako. Hindi ko alam kung swerte ba o malas ang pagkakasalubong namin.
“Hi Ms. Megaphone!" Bati niya then nag-wink pa siya. As if naman na tatablan pa ako ng pang-aakit niya! Ganiyan 'yang style niya para mang-akit. Pakindat-kindat.
“We'll go ahead," rinig kong sabi ni Renz. Napatingin naman ako kay Darren na nasa gitna nila at nasa right side naman si Renz. Gosh! Ang gwapo talaga nila lalo pa't malapitan. Kahit seryoso lang ang mukha ni Renz at hindi nangiti ay napaka-cool at ang gwapo niya pa rin! Si Darren naman ay napansin kong badtrip dahil ang sama niyang tumingin at magka-salubong pa ang mga kilay niya, pero kahit ganoon ay gwapo pa rin siya at maangas talaga ang dating niya!
Umalis naman agad sila at nakita kong pinagkaguluhan sila ng mga babae sa corridor. Hays! Dapat hindi muna sila umalis.
“I know na iniisip mo na naman ako." Napalingon naman ako sa kanya with matching taas ng isang kilay. “Kung iniisip kita iyon ay dahil pinapatay na kita sa isipan ko, okay?"
“Anong klaseng pinapatay? Pinapatay sa sarap ba?" Anong ibig niyang sabihin? Parang kapag ngumingiti o ngumingisi siya ay may kung anong naiisip siyang hindi maganda.
“Hindi ka makapag-salita. Well, ganiyan din yung ibang babae kapag kinakausap ko. Speechless sila dahil gwapo ang kausap nila, pero yung iba ay maingay at wild kapag kinakausap ko."
Ang yabang at napaka-playboy niya! Bakit ba kasi hindi ako naniwala sa mga sabi-sabi e! Naging crush ko tuloy siya noon at kapag naiisip ko 'yon ay nasusuka ako!
“May nakapag-sabi na ba sa'yo na ang yabang mo? Well, sinasabi ko na sa'yo!" Mataray kong sabi, pero nag-smirked lang siya.
“May nakapag-sabi na rin ba sa'yo na sobrang gwapo ko? Well, hindi lang sabi-sabi iyon dahil totoo." Sarap niyang palakpakan dahil sa sobrang lakas ng confidence niya. Dinaig pa ang taas ng kilay ko gosh!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...