Chapter 83: Break the rule

8.3K 325 65
                                    


Julia's Pov

"Shhh... Stop crying. I'm here and I have no plan to leave you now."

Totoo ba ito? Nandito siya at yakap-yakap niya ako? Napailing na lang ako. Imposible 'yun!

Baka na-engkanto na ako o kaya nanuno sa punso. Next time, hindi na ako iiyak sa tabi ng puno at mga halaman.

"Lumayas ka nuno. Huwag mo muna akong istorbohin," madiin kong sabi habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Umabot na ata ng one minute pero hindi pa rin siya umaalis at patuloy niya pa rin akong niyayakap.

Bakit ba ayaw niyang umalis? Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrama ko pero heto siya, eeksena! Chansing pa masyado.

"It's my fault. I'm an asshole and jerk. Sorry, Stupid Amazona," mahina at namamaos niyang sabi. Tinawag niya akong Stupid Amazona? Si Darren demon ba talaga ang kasama ko?

Iniwan niya si Cassandra at sinundan ako?

O baka naman naaawa lang siya sa akin kaya napilitan siyang hanapin ako? Hanep! Mukha na ata akong kawawa.

"Umalis ka na. Iwan mo na ako rito, mang-iiwan ka naman e," walang emosyon kong sambit habang patuloy na naluha ang mga mata ko.

Huwag niya akong i-triggered. Iiwan-iwan niya ako tapos babalik siya? Hampas ko sa kaniya 'tong halaman na makahiya nang mahiya naman siya!

"Don't be like that Stupid Amazona. It's a torture." Pinilit kong kalasin ang mga kamay niya at mabuti naman ay nagkusa na siya bago ko pa siya sigawan.

Huwag daw akong gan'to? Kamusta naman kaya siya? Siya pa nga 'tong nanakit!

Torture na torture na 'tong puso ko at siya ang dahilan tapos sasabihin niyang torture ang pagtrato ko sa kaniya ngayon? Bigyan ko siya ng piso, hanap siya ng ibang maloloko niya! Tss.

Humarap ako sa kaniya at agad na umiwas ng tingin. Baka i-hypnotize niya ako at madala na naman sa mga sinasabi niya. "First of all, wala ng tayo. Nakipag-break ka sa akin. Second, pinapanuod mo lang akong nasasaktan. Third, may mahal ka kamong iba 'di ba? And lastly, tina-trato mo akong hindi mo kilala. Kaya please? Layas na."

Gustong sumalungat ng puso ko. Para bang inuutos niyang huwag kong paalisin si Darren demon.

Gustuhin ko mang manatili siya, masasaktan lang ako. Hanggat nandito siya sa tabi ko, aasa lang ako.

Masyado siyang magulo. Hindi ko siya naiintindihan. Daig niya pa ang equation sa Math. Mabuti pa sa Math, may formulas. Sa kaniya? Matutulala ka na lang sa kakahula.

"You don't understand me Stupid Amazona."

Hindi mo kasi pinapaintindi. Gusto ko siyang sigawan dahil sa sinabi niya pero nanahimik na lang ako. Running for Valedictorian nga ako at With High Honors pero kapag usapang pag-ibig, ang bobo at ang tanga ko.

Napasulyap naman ako kay Darren demon na bumuntong hininga at saka tumingala siya sa langit. Tama ba ang nakikita ko? Napapaluha na siya pero pinipigilan niya lang?

Siya? Iiyak? Aagawan ata ako ng eksena sa pagdadrama.

"For the nth time, I'm going to break a rule," mahinang sabi niya habang nakatingin pa rin sa langit. Napaka seryoso ng mukha niya ngayon. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Tibay ah? Buhay pa rin siya at ang hyper na naman.

"Breaker ka kasi," biglaang sambit ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. This time, feel kong nakatingin na siya sa akin. Totoo naman 'yung sinabi ko. Aware naman siguro siya doon.

"Mahal mo ako Stupid Amazona, 'di ba?" Sandaling natigilan ang buong sistema ko sa tanong niya. Nakipagtitigan ako sa kaniya at hindi ko na namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon