Chapter 68: Ouch!

8.6K 344 59
                                    


Julia's Pov

Inhale, exhale! Itinulak ko na 'yung pintuan at saka dahan-dahang pumasok sa loob. Nakita kong wala na si Darren demon sa pwesto niya kanina at si Cassandra naman ay nakahiga na at mukhang tulog. Nasaan sila ni Renz?

Nilapitan ko na lang si Cassandra sa higaan niya at pinagmasdan siya. Nakaramdam kaagad ako ng awa nang makita kong may luha pa siya sa gilid ng mga mata niya. Hindi biro ang naranasan niya ngayon at mas lalong hindi niya deserve ang pananakot na ginawa sa kaniya na sa tingin ko ay tila bangungot nang maituturing.

Iisa nga lang kaya ang gumawa ng death threat sa akin sa taong nanutok ng baril kay Cassandra? Tss. Ilan lang iyan sa mga tanong ko pero hindi ko pa rin masagot-sagot na kahit google ay hindi rin ito masasagot.

"Darren..." Bigla akong tumingin ng diretso kay Cassandra nang magsalita siya. Kahit pala natutulog siya ay bukam-bibig niya pa rin si Darren demon. Kakaiba talaga siya, ibang klaseng magmahal.

Hinakbang ko na ang mga paa ko dahil kailangan ko na ring umalis at saka mukhang okay naman na siya. Natanaw ko naman bigla sina Darren demon at Renz sa may pangalawang waiting area. Dali-dali akong pumunta doon pero agad akong napahinto nang marinig na nag-uusap pala sila. Nagtago ako sa pader na katabi lang din nila. Dahil gumana na naman ang curiosity ko ay nakinig ako sa usapan nila. Hindi naman sa tsismosa ako pero parang gano'n na rin.

"You're so upset. Is that because of what happened?"

"Yes. But there's also a reason why I'm so freaking upset right now. What a fcking life!" Dama ko kaagad 'yung galit at pag-aalala sa boses niya. Marami siguro siyang iniisip ngayon.

"Between you and Cassandra, right? If by chance, are you going to deal with your father? As soon as possible, Cassandra will be your girlfriend and marry when you two are on the right age." Ouch lang!

Ang sarap sabihin kay Renz na kung pwede lang ay dahan-dahan magsalita dahil parang bala ng baril 'yung bawat salita niya na mukhang tumatagos ata papunta sa akin kaso wala naman akong karapatan na sabihin iyon dahil simpleng tsismosa lang ang peg ko ngayon.

"I don't know Renz. Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dumagdag pa iyang mga tarantadong walang magawa sa buhay at plano pang pagtangkaan si Dara." Sumulyap ako sandali at nakita kong naka-close fist na si Darren demon at tila handang-handa nang manuntok ngayon.

Hindi lang halata pero sa tingin ko ay protective siyang tao lalo na sa mga malalapit sa kaniya. Doon ko ata siya nagustuhan. Nandiyan siya lagi at handa ka niyang iligtas kapag nasa panganib ka. Sa mga mata niya pa lang tuwing nililigtas niya ako, nandoon 'yung fire at will na ililigtas niya ako kahit anong mangyari. Tipong mag-liliyab sa galit 'yung mga mata niya kapag sinusubukan ng kaaway niya 'yung pasensiya niya.

Pati ngayon, nararamdaman ko na galit na galit siya at ayaw niyang may mangyaring masama ulit kay Cassandra.

"Bullshit! Whoever did that, I no longer know how can I control myself when I meet that person." Hindi ko napigilang kabahan sa biglaang sinabi ni Darren demon. Natatakot ako sa tono pa lang ng pananalita niya, what more pa kaya kung nasa sitwasyon na nga na gano'n!

"Hindi kaya tinatarget ang alam nilang malapit sa'yo? That would be possible. Tss. Whatever the reason is, they caught my attention."

"Dare to hurt the person I'm protecting and they will suffer more than hell. I'm freaking serious."

Ganiyan ba talaga siya ka-protective kay Cassandra? Mukha namang si Cassandra 'yung pinoprotektahan niya na parang papatay siya kapag may mangyari ulit na masama sa kaniya. Gaya kanina, nang makita ko 'yung reaction niya nung inaalagaan si Cassandra ay feel ko na agad na ayaw niyang itong mapahamak.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon