Julia's Pov
"Hoy Juliang tulala!"
"Lumayas ka masamang spirit! Go away, come back another day!"
Napatingin ako kina Joy at Kasey na kanina pa ako sinisigawan. Wala ako sa sarili ko ngayon. Missing in action ako, lalo na 'tong utak ko.
"Nanuno sa punso ka 'no? Magtabi-tabi po ka kasi. Huwag ka na pumunta sa garden lalo na sa puno," sermon ni Joy sa akin. Sinabi ko sa kanila kung saan ako pumunta kanina pero hindi ko kinuwento about sa nakita ko. Rated SPG kasi. Baka malagot ako sa MTRCB.
Shemay! Gusto kong ikiskis ang mukha ni Darren demon sa pader!
I need an explanation, an acceptable explanation!
Huwag niyang sasabihin na nag-hallucinate siya at nakita niya ang mukha ko kay Cassandra dahil imposible 'yun. Masyadong maganda si Cassandra. Naku! Once lang na malaman kong gumanti rin siya ng halik kay Darren demon...
Makakasapak ako ng maganda!
I know, hindi kasalanan iyon ni Cassandra. Maski siya ay nagulat din sa ginawa ni Darren demon. May tiwala ako kahit papaano sa kaniya dahil nakaya niyang tanggapin ang sakit para lang makitang masaya si Darren demon. At syempre, tinuring niya pa rin akong kaibigan kahit naglihim ako sa kaniya. Kaya this time, pagkakatiwalaan ko siya.
Si Darren demon lang ang hindi! Kapag nabigyan niya ako ng isang drum na ice cream-este sapat at magandang explanation, mapapalampas ko ang ginawa niya.
"Julia! Uwian na, ano tulala pa rin? Kinakabahan na ako sa'yo ha, baka mamaya ay bigla mo na lang kaming kagatin!" bulyaw ni Kasey at hinampas pa ng libro ang desk ko.
"Waaaah! Baka nagiging zombie ka na! Alert mo kami para makabili na kami ng halaman. Sa garden namin tayo maglalaban Julia! I'm so excited!"
"Kung magiging zombie ako, hindi ko kakainin 'yung utak niyo lalo na sa'yo Joy! Oh siya, tara na nga!" Iniligpit ko na rin 'yung gamit ko. Lumakad na sila kaya sumunod na ako. Nakasabay naman namin palabas sa pinto sina Matthew at Renz.
Huwag mo nang hanapin Julia 'yung leader nila. Malamang, namamaga ang labi nun kaya nag-cutting na!
"Bye Ms. President and Joy!" paalam ni Matthew at nang mapatingin siya kay Kasey ay naging mas seryoso ang mukha niya. "B-bye Kasey."
What's the meaning of this? Nasaan ang tawagan nilang corny? Mas nasanay ako doon.
"Yeah. Bye." Pilit na ngumiti si Kasey habang si Matthew ay nakatitig lang sa kaniya. Parang napi-feel kong gusto pang kausapin ni Matthew si Kasey o kaya yakapin pero hanggang titig lang siya.
Nawala na ang medyo awkward moment nang magsalita si Joy. "Bye rin! Bye sa'yo Matthew at sa'yo Baklang dino-hehehe Sunget pala."
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...