Chapter 21: Tutor Day

11.7K 448 18
                                    


Julia's Pov

Geez! Masakit na nga ang likod ko, kailangan ko pang tumayo rito sa pintuan ng room namin na parang guard. Bigyan ko raw ng detention slip ang lahat ng late kaya naka-abang na ako rito.

Marami na akong nasaway kanina at mukhang may masisita na naman ako dahil paparating na ang grupong nakakapagpa-stress sa akin.

"Yow Ms. President!" bati ni Matthew sabay kindat. Napairap na lang ako habang nakuha ng detention slip.

"Get out to our way," seryosong utos ni Darren demon habang nakapamulsa pa ang mga kamay. Pa-cool lang.

"Bawal nang pumasok," sagot ko. Tsk! Late na nga, hindi pa naka-uniforme ang mga 'to. Wala pang bag! Studyante pa ba ang tawag sa kanila or bwisitor este visitor? Walang exemption dapat ang rules and regulation.

"I said move Stupid Amazona," banta niya ulit sa akin pero hindi ako nagpatalo at sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Bawal nga sabi 'di ba? Heto ang detention slip niyo." Padabog kong iniabot sa kanila iyon at tinignan lang naman nila. "Ano na? Go! Fly away."

"Grabe ka sa amin Ms. President. Two hours na detention iyon, may date pa ako." Nagbingi-bingihan na lang ako sa hinaing ni Matthew. Tanging si Renz lang ang tahimik na sumunod sa sinabi ko.

Bigla akong ginantihan ng masamang tingin ni Darren demon bago tuluyang umalis, "We're not yet done Stupid Amazona. Lagot ka sa akin." Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na ako sa loob ng room.

Maya maya pa ay dumating na 'yung adviser namin at nag-lesson na siya kahit kalahati lang kaming nandito. Halos lahat kasi ay nagpa-detention na rin para makasama ang tatlong lalaki na 'yon. Ang lalakas ng sapak ng utak nila.

"Mabuti talaga at hindi ko nakikita ang pagmumukha nung kupal na 'yon!" inis na sambit ni Kasey. Kanina pa iyan gan'yan dahil nakasalubong niya papasok sa gate si Matthew.

"Inis na inis? Mamaya makikita mo na ulit siya," pang-aasar ko kaya mas lalong lumukot ang mukha niya.

Mabilis na natapos ang 2nd period kaya break time na namin ngayon. Pumunta agad kaming canteen at um-order na. As expected, ako na naman ang may pinakamaraming pagkain.

Nakakagutom kaya ang mag-aral.

Hindi ko pa nauubos lahat ng pagkain ko nang may lumapit sa aking babae. Pinapapunta daw akong faculty room ni Ma'am Leona.

"Lagot ka Julia!" pananakot ni Joy. Wala naman akong ginawang kasalanan so hindi dapat ako kabahan. Pumunta na agad ako sa faculty room at lumapit kay Ma'am Leona.

"Good day ma'am. Pinapatawag niyo raw po ako?"

"Yes. I need to inform you something important." Parang kinakabahan ako doon sa 'something' na 'yon.

"You are now the tutor of Mr. Darren Lee Sandoval, right?"

"Opo."

"Ngayong araw na ang start ng pagiging tutor mo." What?! Nanlaki talaga bigla ang mga mata ko sa sinabi ni Ma'am Leona.

"Okay po." Mukhang wala na ngang atrasan 'to. Hays.

"Alam mo naman ata 'yung bahay nila Mr. Sandoval? If not, siya na mismo ang tanungin mo at doon mo siya i-tutor." Tumango na lang ako at nagpaalam na. Shemay naman! Hindi ko nga alam ang bahay nun tapos galit pa siya sa akin kanina.

Pumunta muna ako saglit sa garden para makapag-relax. Hindi pa ako nagtu-tutor kay Darren demon pero nai-stress na agad ako. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa puno na katabi ko.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon