Julia's Pov
Hindi ko alam kung bakit sumulpot na lang siya rito out of nowhere. Halatang nagmadali talaga siya sa itsura niya pa lang. Magulo pa ang buhok, kaswal ang suot na parang pambahay ngunit pinatungan niya lang ng jacket para hindi gaanong halata.
Kagigising lang ba nito at naisipang mag-quick jogging patungong airport? Hanep na trip 'yan. Sana itinulog niya na lang.
"Why?" nagtitimpi sa galit niyang tanong. "Bullshit. Why the hell are you leaving just fucking like this?!"
Napaigtad ako sa gulat sa pagtaas ng boses niya.
Sandali nga. Bakit ba siya nandito in the first place? At bakit pinipigilan niya ako? Ang Darren demon na 'to. Panira talaga lagi ng kasiyahan!
Unless, nandito siya para pabaunan ako ng pagkain o kaya ng gamot. May bigla kasi akong naramdaman sa katawan ko nang dumating siya. Naghalo 'yung kulo sa tiyan ko, matinding kaba sa dibdib at pintig sa puso.
"May ibibigay ka sa'kin? Kasi kung wala... bakit parang hinabol mo ako?"
"Because you are fucking leaving! Bakit bigla-bigla mo akong iiwan?!" Ang galit sa mga mata niya ay biglang dinaanan ng sakit. Hindi ako nakaimik agad. Nawiwindang pa sa reaksyon niya at sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon.
Napatingin ako sa paligid at napansing may ilang napapasulyap sa'min. Walang pakialam si Darren. Nakatitig lang siya sa'kin habang nakakuyom ang mga palad. Kaaway nito? Last time I checked, magkasundo pa kami... yata. Umamin pa nga... Ah, mali!
Umamin na 'di ko maunawaan nang lubos kaya ayokong mag-assume!
"Why so sudden? Ganiyan mo ba kaayaw na makita ako? Kahit ipaalam na aalis ka... hindi mo ginawa?" sarkastiko siyang ngumisi. "Kung wala pang nagsabi, magigising na lang ako na wala ka na. You're too far away. And sure, motherfuckers will go out of their way to tail you and, worse, hit on you!"
Ganito... ganito ang epekto 'pag kulang sa tulog.
Napailing na lang ako at inawat na siya. "Aalis lang ako, ang dami mo nang satsat. Si Joshua ang kasama ko. Dalawa naman kami—"
"Hindi ko tinatanong ang lalaking kasama mo. That asshole, whoever he is, I don't fucking care!" nanlilisik ang mga mata niyang singhal. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami mong makakasama umalis, sa lalaki pa na umaaligid lagi sa'yo. Sa kaniya pa na isa sa mga pinagseselosan ko!"
Napasinghap ako.
Maging ang ilang napapadaan ay nagulat din at 'di natiis manahimik. Narinig ko ang ilan na nagtsismisan na grabe naman daw ako. Kawawa naman daw 'yung kasintahan ko na ipinagpalit ko at iiwanan! Jusko!
Nalihis ang mga tingin ko sa gilid nang mapansin na humahangos palapit dito sina Kasey at Joy. Natanaw ko naman mula sa glass window sina Jin, Matthew, at Renz. Nandoon lang sila sa labas. Wala roon si Darious. Hindi naman katakha-takha iyon, pero ang makita silang lahat dito... nakakatanga sobra!
"Waaaah Julia! Heto 'yung world map, nakalimutan mo!" May inabot sa'kin si Joy nang makalapit na. "Mag-ingat kayo sa paglalakbay ni Kuya Joshy! Kahit lumipas ang ilang taon, hindi ka namin makalilimutan dahil hindi kami makalilimutin. Sana ikaw din, Julia!" sabay yakap niya.
"Hindi na sana namin ikaw papanoorin umalis. We're not into drama, but...." Napapahid ng mga mata si Kasey nang mapaluha ng isang patak. "It's hard not to be emotional. Mami-miss ka namin, Julia."
Napangiwi ako nang yakapin na nila ako nang sabay. Hindi nakatakas sa'king tingin ang mariing pagtitig ni Darren sabay iwas dahil tila mabigat ang loob na panoorin kami.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...