Chapter 25: Kiss

13.3K 489 49
                                    

Julia's Pov

How to make an unique revenge to a very annoying man?

Iyan ang kanina ko pang gusto i-search kaso free data lang ako. Punong-puno na talaga ako sa lalaking kasama ko ngayon. Oo, pinakain niya ako ng libre kanina na sa tingin ko ay pampalubag loob lamang dahil ngayon ay sinimulan niya na naman akong galitin.

Ipabuhat ba naman sa akin lahat ng nabili niya sa National Bookstore. Take note, puro binder at makakapal na notebook pa 'to! Kumukulo na talaga dugo ko sa kaniya.

Grrr!

"Hiyang-hiya talaga ako sa 'yo. Grabe!" pagpaparinig ko pero binabalewala niya lang. Palabas na kami ng mall at pilit kong hinahabol ang senyoritong si Darren Demon.

"Hintayin mo nga ako. Hoy! Sige, ibubuhos ko lahat ng bitbit ko rito!" banta ko at huminto naman siya saka lumingon sa akin. "The hell I care?" nakangisi niyang sambit at muli na namang lumakad.

Jusko! Parusa talaga siya sa akin. Naging mabait naman ako pero hays!

Nakarating na kami sa parking lot kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para maabutan siya. "Darren demon! Anak ka talaga ng magulang mo. Tulungan mo kaya ako rito."

"Ikaw ata ang reklamador Stupid Amazona?" patawa-tawa niyang sabi.

"Naka-shabu ka ba? Sinong hindi magrereklamo sa pinag-uutos mo ha?!" Dahil sa inis ko ay kinuha ko 'yung binili niyang binder notebook at buong pwersa kong inihagis sa pwesto niya.

Unluckily, mabilis at swabeng iniwasan niya lang ito.

Patawa-tawa siyang lumapit sa akin na halatang nang-aasar. "Try to practice more in target shooting. Wait, gusto mo ng demo kung paano ang tamang pag-target?" Medyo kinabahan ako sa pag-evil grin niya.

Feel kong balak din akong batuhin nito. "Hinahamon mo ako Darren demon? Game. Fight me! Ano ha, malapitan pa," lakas loob kong hamon pero nang mas lumapit siya sa akin ay deep inside kinabahan ako. Shemay!

"I bet you're into action Stupid Amazona..." mahinang bulong niya habang kinuha sa akin 'yung isang plastic bag na dala ko. Nagtaka naman ako nang ilabas niya 'yung malaking puncher na nabili namin.

Wait! Ibabato niya sa akin iyan? Abaaa!

"Sige! Subukan mong ibato o ipukpok sa ulo ko iyan. Magkakagera talaga rito. And alam mo ba ang golden rule ha? Don't do unto others, what you don't want to do unto you!" pangaral ko mabago lang ang isip niya na batuhin ako.

"Mukhang masakit na 'to kapag binato. What do you think Stupid Amazona?" Ang lakas pa ng loob na tanungin ako. Hanep!

"Masakit iyan syempre! Bakal iyan at malaki pa. Kaya pwede, bitawan mo na?" mahinahon kong sabi para ma-convince ko siya.

"Paano ba iyan? Hindi ako masunurin." Tinaas niya na ang kamay niya kaya napapikit agad ako. Ewan! Sa lahat ng pwedeng i-response ganoon ang ginawa ko.

Nang mapansing wala pang natama sa akin ay dumilat na ako. Nakita kong napapailing na lang si Darren demon habang nakangisi.

"Bwiset ka talaga! Ang lakas ng trip mo!"

"Sinong nagsabing sa'yo ko ibabato?" makahulugan niyang tanong sabay tingin sa likuran niya. May lalaki roon na kakalabas lang sa kotse niya at halatang siga 'yun dahil sa tindig at porma.

Huwag niyang sabihin na-

"When I say run, run." With that, patalikod niyang binato nang buong pwersa ang lalaking 'yun at kitang-kita kong tumama ito sa mukha ng lalaki.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon