Chapter 71: His moves

9.4K 443 71
                                    


Julia's Pov


Kinakabahan ako. Nanginginig na 'yung mga paa ko kahit mamaya pang- 5 pm 'yung pageant. Ngayong day na ang Ms. and Mr. Ambassador kaya heto ako, parang masusuka na. Kaunti lang kaya ang pinakain sa akin ni Kasey dahil baka raw tuluyang masuka ako at saka baka raw hindi magkasya 'yung mga costume ko.


Ilang araw ding pinagpaguran ni Kasey 'yung costume ko kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaniya. Si Joy naman ang nagpraktis sa akin sa pagkanta at siya ang tutugtog ng piano mamaya. Ngayon lang ako natuwa sa kanila, akala ko puro kabaliwan na lang nasa utak nila, hindi pala. Haha!


Kinawayan na ako ni Kasey at sinenyas na pumasok na raw ako sa kotse nila. Umalis na agad ako sa bahay. Wala si mama sa bahay at pati si Joshua pero sinabihan ko sila na sana makarating sila mamaya.


"My gosh! Bakit parang mas kinakabahan ako Julia? Sana maging successful 'tong pageant at ikaw ang manalo!" sambit ni Kasey na pinagpapawisan na kahit may aircon naman dito. "Hindi ka nag-iisa Kasey. Si Joy nga pala? Naka-alis na?"


"Ewan ko doon! Hahanapin niya raw muna si Superman para ipabuhat 'yung piano niya papunta sa school. Naloloka rin ako sa babaeng 'yon!" Natawa na lang ako sa kwento ni Kasey. Sana naman makarating si Joy bago mag-start ang talent portion dahil kung hindi ay gagawin kong bungi-bungi ang tiles ng piano niya.


"Anyway, nasa likod ng kotse lahat. 'Yung costumes mo then props. Kami na bahala mamaya sa pagpapamigay ng flashlights sa mga audience." Tumango na lang ako. Huminga na lang muna ako nang malalim at saka hinintay na makarating sa Sandoval Academy. Hays! Gutom na agad ako pero pinagbabawalan akong kumain nang kumain.


"We're here! Tulungan mo na akong buhatin 'yung mga costume mo." Lumabas na agad ako ng kotse at kinuha 'yung dress niya na pinahiram niya sa akin. "Kainis! Nasaan na ba kasi si Baby kupal e. Late na naman. Feeling niya siguro kasali siya sa Mr. Ambassador kaya nag-aayos ng todo!" rinig kong reklamo ni Kasey.


"Baka nasa loob na? Kasama ata 'yung grupo niya," hula ko. Pumasok na lang kami sa loob ng school at laking gulat ko na ang dami na agad na tao. As in! Kaunti na lang 'yung vacant seat. Maaga atang pina-cut ang class para sa mga pang-hapon. Sobrang ganda naman ng stage ngayon dahil sa dami ng design. 'Yung mahabang table ng mga judge ay naka-ayos na rin at may microphone pa sa ibabaw ng table.


Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa backstage. Sobrang gulo rito ngayon dahil super busy ng mga taga-ayos at assistant ng mga candidates. 'Yung iba naka-make up na at naka-suot na 'yung costumes nila. Ako? Nganga!


"Julia! Nasa earth tayo. Kumilos ka na! Aayusan pa kita e. " Ayan, galit na si Kasey. Humarap na ako sa salamin at saka umupo. Inayusan na agad ako ni Kasey habang daldal ng daldal. Sinulyapan ko naman 'yung mga katabi ko na ang gaganda na ngayon. Na-insecure na naman ang lola niyo! Mapapasabi na lang talaga ako ng 'karapat-dapat ba talaga ako rito?'


Magtiwala na lang tayo kay Kasey na expert na pagdating sa pag-aayos. Inilugay niya 'yung buhok ko then sinisimulan niya nang ikulot sa ibaba. Mamaya naman daw sa talent portion ay naka-tali ako. Bahala na siya kung anong hair style ko basta huwag lang sabog-sabog buhok ko, okay na ako.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon