Chapter 59: Cold and Hot

10.2K 383 12
                                    


Julia's Pov



Lunes na naman ngayon at maaga akong nagising kahit sobrang pagod ako kaninang madaling araw. Kakarating lang kasi namin kaninang 2:30 am then natulog ako agad pagkarating ko sa bahay namin.



Nasa kusina ako ngayon at nakikipag-kwentuhan kina mama at Joshua tungkol sa mga nangyari ro'n sa pinuntahan namin. Huwag lang sanang makuwento ni Joshua yung nangyari sa airport. Hanggang ngayon ay pilit kong binabalewala 'yon at iniiwasang mapag-usapan dahil ang awkward lang talaga.



Pinag iisipan ko nga kung papasok ako ngayon e! May dahilan naman ako para hindi pumasok ngayon pero nagdadalawang isip talaga ako. Kung papasok ako, aasahan ko na aasarin nila ako lalo na sina Kasey at lahat silang nakarinig sa sinabi ni Darren demon. Makikita ko rin siya at hindi ko na alam kung paano ko siya i-aapproach na hindi gaya noon ay bigla-bigla na lang kaming mag-aaway. Bahala na, papasok na lang ako at iiwas sa mga tanong nila.



Hindi muna ako sasabay kina Kasey ngayon. Alam niyo naman 'yon, umaga pa lang tinalo niya na yung mga evening host na gaya ni Boy Abunda sa sobrang daldal niya.



"Julia, ihatid na kita," offer ni Joshua. Umiling na lang ako dahil alam kong pagod si Joshua ngayon kaya ayoko muna siyang abalahin.



"Tsk. May iba ka bang gustong maghatid sa'yo ha?" Usisa niya na dahilan kung bakit ako nasamid. Iba kasi yung mga tingin niya kaya feeling ko ay hindi sina Kasey ang tinutukoy niya.



"Wala! May paa ako kaya kaya kong pumunta sa school!" Sagot ko kaagad. Tinawanan niya lang ako at iniwan niya na ako sa kusina. Nagpaalam na lang ako kay mama na aalis na ako dahil lalakarin ko lang papunta sa school ngayon.



Nang nasa daan na ako ay natanaw ko kaagad yung 7 eleven kaya pumunta agad ako ro'n. Nakaka-miss bumili rito, lalo na yung favorite kong ice cream! Pumila agad ako at bumili nung chocolate na ice cream. Muli akong naglakad papunta sa school habang kumakain ng ice cream. Sobrang sarap talaga lalo pa't mainit ngayon!



Halos manlaki naman ang mga mata ko nang may humila sa akin at natapon yung ice cream ko! Mabilis ko ring naramdaman ang rumaragasang kotse sa gilid ko at lumagpas na ito sa akin. M-muntik na akong masagasaan. Kamuntikan na naman.



Alam kong flatchested ako pero huwag naman sana nila akong pagkamalang daanan! Grabe sila!



Nakaka-ilang ulit na ba nangyari sa akin 'to? Nasa tabi naman ako ah! Ano bang tingin nila sa akin, poste? Semento? Ugh!



Napatingin na lang ako sa humila sa akin. Sobrang gandang babae ang nakikita ko ngayon. Medyo brown at may pagka-kulot sa bandang ibaba yung buhok niya, maputi siya at may magandang kutis. Nakaka-insecure siya!

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon