Chapter 13: Detention

16.3K 546 24
                                    


Darren's Pov

Damn it!

My arms were badly strained and until now, I need to endure the fucking pain. Na-puwersa ito kahapon dahil sa laban, nanalo ako ngunit ito ang kapalit.

Isa lang ang hindi ko naipanalo na laban kahapon. That stupid woman really had the audacity to trick me and run away. We're not yet done, kahit takasan niya ako ng ilang ulit.

Right timing. May pasok na ngayon. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining area. Maids stood frozen on their feet as I entered. Binati rin nila agad ako at tumahimik na silang lahat. Maingat silang kumilos at walang nangangahas na gumawa ng pagkakamali o agaw pansin na ingay.

They need to know and follow my rules, otherwise, they will lose their job.

Wala silang magagawa, ako lang ang madalas na nandito sa mansyon. I'm used to stay and live alone, without my family. Mga katulong lang ang nakakasalamuha ko rito. It bores me to death. Mas gugustuhin ko pa sa labas at literal na makipagpatayan kaysa rito na parang bahay ng mga patay o multo.

Madalang umuwi ang mga magulang ko. My dad is always out of the country because of some freaking business venture. My mom is also busy, but not totally same with my father. Dad is buried with work as hell. Hindi magawang makauwi, tatlo o nasa limang beses lang ata sa isang taon nabalik dito.

Ang mas nakakasama ko rito ay si Dexter, little brother ko. Minsan wala siya rito dahil nasa mansyon ni grandma. Si Dianne? Kahit hindi na umuwi 'yon, ayos lang. Pabor sa akin. My sister is a sadist witch. Beware.

Hindi kami magkasundo dahil daig niya pa ang guidance counselor sa kakasermon sa akin. Dahil wala siya, payapa ang paligid.

Or not actually. Nang dumating ang mga kaibigan ko, nabasag ang matinding katahimikan.

"Yow Leader!" bati ni Matthew at walang hiya na kumuha ng mansanas at saka kumain mismo sa tapat ko.

"Saan ka pumunta kahapon after mong umalis sa mall? Balita ko asar na asar ka kay—" I cut him off.

"Don't mention her name." I warned. Ayoko nang maalala ang nangyari kahapon.

"Kay Ms. President," nakangising sambit ni Matthew. "Oh! hindi ko sinabi ang pangalan ha."

I darted him a sharp gaze, then shifted to Renz who immediately butted in.

"Sa VM ka pumunta?" He asked, checking his phone. Tumango ako at muling kumain.

"Anong ginawa mo sa Vertex Mob, Leader?"

"Car racing," simple kong sagot.

It's not the usual racing seen in most competition. Hindi ito basta pabilisan lang, kailangan ding patumbahin ang kalaban at lahat ng sagabal sa daan.

We're fighting for survival and victory. I know, it's dangerous as hell and my life is always at stake. But, that's how I enjoy life. No one can stop me.

"Pinagbuntunan mo ng inis 'yung sports car at kalaban mo? Shit! Kawawa!"

"Bakit, gusto mo sa 'yo Ybañez?"

Natahimik siya at tumawa rin agad. "Hindi ah! Support ako sa trip mo Leader. 'Di ba, Renz? Magsalita ka naman!"

Binalingan kami ni Renz. Seryoso siyang tumingin at ibinato sa akin ang hawak niyang cellphone.

"New challenger. Accept or not?" tanong ni Renz. Binasa ko muna ang message bago nagdesisyon.

"Not bad. Get ready. Lalabanan natin."

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon