Chapter 87: Missing You

11.1K 383 200
                                    


Julia's Pov

"Happy New Year!" sigawan ng lahat ng kasama ko. Nakarinig din ako ng ilang ingay na nanggagaling sa mga fireworks at torotot.

"Whoa! Julia! Look ang ganda!" tuwang-tuwa naman na itinuro ni Joy ang kalangitan kaya tumingin na rin ako at nanuod nang sunod-sunod na fireworks display.

Napangiti na lang ako. Masaya ako dahil kasama ko ang mahahalagang tao sa buhay ko ngayong Bagong Taon. Hindi man sobrang saya dahil may parte sa akin na kulang pero nandiyan naman ang pamilya at kaibigan ko na laging nasa tabi ko para pasayahin ako.

Dito nag-celebrate ang pamilya nila Joy at Kasey sa bahay namin. Walking distance lang naman ang mga bahay namin dahil iisang Subdivision lang kami.

"Hoy Julia! Himala ah? Hindi ikaw ang nangunguna sa kainan!" sigaw ni Kasey na dinaig pa ang ingay ng mga paputok.

"New Year's Resolution ko kasi iyan. Babawasan ko na ang katakawan ko!" pagdadahilan ko.

"Wow ha? Kaya mo? Kaya mo?"

"Oo naman-este ewan!" Tinawanan naman ako ni Kasey. Psh! Bakit kasi mahirap panindigan iyon? Masarap talagang kumain.

"Tara picture tayo!" aya ni Kasey at kinuha ang cellphone niya. Ngumiti na lang ako habang si Joy naman ay naka-wacky. "Ang ganda natin! Send ko ito kila Baby Kupal!"

"Nasaan nga pala 'yon?" usisa ko. For sure lahat sila ay out of the town dahil wala silang paramdam nitong nakaraang araw. Huling kita ko na siguro sa kanilang apat ay before Christmas break.

Si Matthew at Kasey ay going strong pa rin. Bilib na ako kay Matthew dahil pinaglaban niya talaga ang relationship nila ni Kasey sa family niya. In the end, sila na talaga.

Si Renz naman ay humahabol sa ranking in academics. Wala na rin masyadong pinagkakaabalahan si Renz kaya siguro nagsipag sa pag-aaral. May napansin nga ako sa kaniya e, nabawasan na ang pagsusungit niya. Tumatawa at ngumingiti na rin siya pero kapag hindi kami ang kasama niya.

Si Darious at Jin naman ay lagi nang pumapasok sa school at laging sumasabay na kina Matthew at Renz. Pa-fall pa rin si Darious at si Jin naman ay antukin pa rin.

Malaki ang pinagbago ng grupong The Heartthrob Gangsters. Balita ko, hindi na sila pumupunta sa Vertex Mob. Wala na ring away na sinasalihan at hindi na rin sila naglalaro ng basketball bilang isang grupo. Inactive na sila sa lahat ng bagay na ginagawa nila noon. Oo, sikat pa rin sila gaya ng dati pero makikitaan mo talaga na may kulang sa grupo nila...

Si Darren Lee Sandoval. Ang leader ng The Heartthrob Gangsters.

"Nasa Japan si Baby Kupal. Sina Renz at Jin naman ay nasa California. Tapos si Darious ay nasa Hongkong."

"Wow! Sana tayo rin! Hongkong Disney Land!"

"Sa susunod Joy! Papasyal tayo sa Hongkong Disney Land! After graduation siguro." Nagtatalon na si Joy sa sobrang kasiyahan. Well, dream come true na iyon ni Joy.

"Julia? Kumain ka na! Pati kayo Joy at Kasey!" aya ni mama kaya sumunod na rin kami sa loob ng bahay.

Dahil medyo wala akong ganang kumain; fruit salad, palabok, cake, lumpia, maja at ice cream lang ang tanging kinuha ko.

Tumabi na ako kina Kasey at Joy na kumakain na ngayon sa lamesa. "Pang buong taon na ata iyang sinandok mo Julia!"

"Exaggerated ka naman Kasey! Kaunti lang 'to," depensa ko sabay kain. "Kaloka ka talaga! Baka mamaya, pumutok ang tiyan mo!"

Kaagad na lumayo sa akin si Joy dahil sa sinabi ni Kasey. "Waaaah! Bakit ka lumunok ng bomba Julia? May timer ba iyan ha? Mag-count down ka kapag malapit na sumabog!"

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon