Chapter 29: Trapped

13.2K 532 41
                                    

Dedicated to @triciasha

__

Julia's Pov

"Oh heto ice cream mo, sa'yo na rin iyang cheesecake Julia. Teka bakit namumula iyang mga mata mo?" takhang sambit ni Kasey pagkatapos niyang ibigay sa akin ang ice cream ko at 'yung cheesecake.

Ayoko namang sabihin na umiyak ako dahil kay Darren demon.

"Hala! Nag-aadik ka na Julia! Hindi porke uso suminghot ng drugs ay gagamit ka na rin-aray ko po!" Napahawak bigla si Joy sa braso niya nang hampasin siya ni Kasey.

"Ano ka ba Joy. Malay mo sore eyes lang iyan!"

Na-stress ako lalo sa kanila. Kumain na lang muna ako ng ice cream. My kind of stress reliever.

'Julia, mianhae...'

Biglang sumagi sa isip ko 'yung sinabi ni Darren demon. Hays! Ano kaya meaning nun?

Ngayon ko lang rin napagtanto na nakakahiya 'yung ginawa kong pag-iyak kanina. Baka isipin nun na sobrang soft at iyakin ako.

"Uhm hello po. Ikaw po 'di ba si Julia Marie? Senior student na section 2? Pinapapunta ka po ni Ma'am Leona sa faculty." Out of nowhere na sumulpot sa harapan ko ang isang estudyante.

Bigla namang tumayo si Joy at umeksena, "Ano kailangan niyo kay Julia? Dahil ba may sore eyes siya ay papaalisin niyo na siya sa school?! Hindi ba kayo naaawa sa kaniya? Kasalanan niya bang niregla ang mata niya ha!"

Napanganga kami sa pinagsasabi niya. Bakas pa sa kausap ni Joy ang pagkagulat.

"Ahh... Eh may iuutos lang po si Ma'am Leona sa kaniya," sagot ng babae.

"Ahh! Hehe! Dapat kasi sinabi mo agad. Nasayang tuloy 'yung pinaglalaban ko," depensa ni Joy at nag-peace pa.

Napailing na lang kami ni Kasey. "Pasensya ka na. Sige, susunod na rin ako," sagot ko sa babae at umalis na siya.

"Iwan ko muna kayo. Alis na ako," paalam ko kina Kasey at Joy at tinahak na ang daan patungong faculty.

Habang naglalakad ay napansin kong maraming estudyante ang pumupunta ngayon sa Gymnasium. Dahil curious ako ay dumaan muna ako roon saglit.

May practice game nga pala ngayon ang mga basketball players ng Sandoval Academy. Practice game pa lang pero marami nang nanunuod.

Lumabas na ako dahil siksikan sa loob. Nakasalubong ko naman si Renz na umiinom ng bottled water.

"You are here to watch? Bakit lumabas ka agad?" aniya kaya umiling ako. "Dumaan lang saglit," sagot ko at tanging tango lang ang response niya.

Aalis na sana siya pero agad ko siyang tinawag.

Siguro maalam siya sa iba't ibang language. Baka alam niya 'yung meaning ng mianhae.

"Pwede magtanong? Alam mo ba ang meaning ng word na mianhae?"

"Sinong nagsabi ng word na iyan?" Takhang tanong ni Renz.

"Si Darren demon," sagot ko agad at napangisi naman si Renz. Bakit mukha siyang na-amaze tapos natatawa?

"You sure sinabi niya 'yun?" paninigurado niya at mukhang hindi makapaniwala.

"Oo nga! Ano alam mo meaning?"

"It's a Korean language. It means sorry. Darren just said sorry."

Ano raw?!

Sorry? Nag-sorry siya?

It means na ang sinabi ni Darren demon ay 'Julia, sorry.'

"Weh? Totoo?" paninigurado ko. Baka kasi binabalbero lang ako nitong si Renz.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon