Chapter 47: Just fight!

9.5K 416 21
                                    

Julia's Pov

Naalarma ako. Bumaba na ang dalawang sakay ng motorsiklo at anim naman na lalaki ang bumaba sa van.

Para silang riding in tandem at mga kidnapper. Sanib pwersa ata sila.

Ang tanong, sino ang pakay nila? Dudukutin ba nila si Darren demon o tatangayin ang hawak nito? Both siguro.

“Darren Sandoval, kamusta na?" bati ng matabang lalaki na nasa unahan. Kapansin-pansin ang malaki at kumikinang nitong kuwintas.

Yayamanin. May bling-bling.

Balak ko sanang tanungin si Darren demon kung ninong niya iyon kaso natigilan ako.

Parang napapalibutan ng itim na enerhiya si Darren demon. Matalim ang paraan niya ng pagtitig at mahahalata na tinitimpi nito ang galit.

“Not here..." may diin na tugon niya.

“Wala ka ng magagawa, naabutan ka namin." Makahulugang ngumisi ang matabang lalaki. “Tignan natin kung uubra ka pa rin kahit nag-iisa at wala ang mga kagrupo mo. Ngayon ako maniningil sa kasalanang nagawa niyo sa amin. Binugbog niyo ang mga miyembro ko, pwes ikaw ang gagantihan ko ngayon!"

I finally realized... hindi sila kidnapper o ninong ni Darren, gangster din sila! Hindi lang basta gangster, mga mapaghiganting gangster sila! Uh-oh.

I need to escape!

Sinadya kong umubo upang maagaw sandali ang kanilang atensyon. “E-Excuse me. Kasama niya ako pero kung may pag-uusapan pa kayo, sige lang. Willing to wait ako sa malayo."

Naiilang akong ngumiti at humakbang na, kaso may kamay na pumigil sa akin.

“Kasali ka na rito, miss." Umakyat ang kaba sa aking dibdib. Nakakatakot at mukhang adik na lalaki ang humawak sa akin!

Bakit pati inosente nadadamay? Jusko! Ayokong madamay sa rambulan nila.

“Hindi ako kasali sa gulo niyo. Hindi ito the more, the merrier. Bitawan mo na ako!" Imbis na binitawan, mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Hindi ko napigilang mapangiwi.

“Asshole! Take your damn hands off her!" tumaas na ang boses ni Darren demon.

Binitawan niya ang hawak na plastic bag at sumugod na. Pinalibutan siya ng mga lalaki at nagsimula na sila magsapakan.

“Lagot ka sa kaniya mamaya..." banta ko sa lalaki na hindi pa rin ako pinapakawalan.

Dahil nainis, marahas niyang pinilipit ang aking kamay. Napadaing ako sa sakit. Namumuro na siya! Anong akala niya sa kamay ko? Flexible?!

“Labanan mo, Stupid Amazona!"

“H-Hindi ko kaya!"

“Sa kaniya mo ibuhos ang galit mo sa akin!—Fuck!" sigaw niya habang nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban. Dahil sa direksyon ko siya nakatingin, nasuntok siya ng kalaban at muntikan na mapuruhan.

Hindi na ako nag-alinlangan na sundin ang sinabi niya. Mabilis at buong lakas kong inapakan ang paa ng lalaki at nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin, agaran kong tinuhod ang iniingatan niyang alaga.

“Papalag pa? Nararapat iyan sa iyo!" singhal ko sabay sipa sa kaniyang hita. Bahagya siyang natumba kaya tuluyan na akong nakawala.

“Matitikman mo ang kamao ng isang babaeng inapi!"

Bago niya pa ako matakbuhan, nadamba ko na ng suntok ang lalaki at sinipa pa siya sa tagiliran upang mahirapan lalo makatayo.

Masyado kong napagbuntungan ng inis ang lalaki. Effective ang payo ni Darren demon.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon