Julia's Pov
Good morning Monday! Back to reality na ulit dahil may pasok na naman ngayon. Nakaka-miss talagang mag-aral. Dakilang estudyante na naman ako.
"Ate! Nandyan na si ate Joy!" sigaw ng kapatid ko. Ang hilig niya talagang sumigaw, hindi niya ako gayahin na mahinhin lang. "Oo na! Wait lang!" sigaw ko pabalik.
Kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na sa kwarto. Nadatnan ko si Joy sa sala na nakaupo. "Good morning Julia!"
"Good morning din Joy. Nasaan si Kasey?" curious kong tanong nang mapansing wala siya. "Hindi raw sasabay at saka hindi pa siya prepared nang pumunta ako sa bahay nila."
"Himala atang hindi pa prepared iyon? Daig niya pa ang maagap at maputak na manok kaya nakakapagtaka naman."
Si Kasey ang laging nauuna sa amin at kami ang lagi niyang sinisermonan kapag late kami. Ano kayang nangyari?
"Hala! Naiyak si Kasey kahapon Julia. Ngayon ko lang nalaman na may lahing manok pala siya. Kasalanan ko ata Julia," lumungkot bigla ang mukha ni Joy. "Nag-away ba kayo?"
"Hindi. Lalo kasi siyang umiyak nang sabihin ko na ang ulam namin ay tinolang manok. Baka nagluluksa siya. Next time, tinolang isda na lang uulamin ko." Muntik na akong madala sa sinabi ni Joy. Akala ko seryosong usapan na. Well, kailan pa kami nagkaroon ng matinong usapan?
"Iba ang dahilan Joy. Hindi ko pa alam pero aalamin ko. Tara na!" aya ko at sabay na kaming lumabas. Sumakay na ako sa kotse nila Joy. 'Yung driver naman nila ay nagmaneho na habang kami ni Joy ay nasa likuran at nag-uusap.
"Julia. Anong maiisip mo kapag may lalaking nakikipagkita sa kapwa lalaki tapos 'yung kaibigan mong lalaki, nakasulyap din sa kanila na parang stalker at mukhang pagseselosan din ako kapag kinausap ko 'yung lalaki." Tumingin pa siya sa itaas na parang may ini-imagine na kung ano.
"Base sa kwento mo, feel kong beki sila," sagot ko at pumalakpak naman si Joy. "Tama! Gan'yan din ang hula ko! Alagad sila ni Barney!"
Naisingit pa niya si Barney. Kaloka. Sino kaya ang sinasabi niya? Mga imagination niya na naman siguro.
"Bakit nga pala alagad ni Barney, ha?"
"Kasi mga baklang dinosaurs sila. Mukha silang matapang pero hehehe, baklushie pala." Sa bagay. Hanep din mag-compare nitong si Joy.
Nagkwentuhan pa kami habang ako ay nakatingin sa dinadaanan namin. Napakunot noo naman ako nang may makitang kotse na diretso lang ang takbo kahit nakikita niya naman siguro na makakasalubong niya ang sinasakyan namin.
Two ways na nga ang daanan pero sa way din namin siya dumadaan.
At ang malala, dire-diretso lang siya at planong salubungin ang kotseng sinasakyan namin. Hanep! Binilisan pa.
"Loko iyon. Anong problema niya?" inis na sabi nung driver nila Joy. Bumusina siya pero mukhang may sapak ang driver ng kotse na 'yon at tuloy-tuloy lang siya.
Babanggain niya ba kami? Imposible namang tumagos siya sa kotseng sinasakyan namin!
Nag-panic na ako nang makitang palapit na siya at wala pa ring planong lumiko. Humarurot na ang kotse na nasa harapan na namin at mukhang desidido nang banggain kami.
Mabilis na iniliko ng driver nila Joy ang kotse na sinasakyan namin at sa bilis nun ay para kaming malalaglag sa sasakyan.
Mabubunggo kami sa pader!
Gumana kaagad ang reflexes ko at agad kong itinapat ang bag ko sa mukha ni Joy. Nang mabangga na ang sasakyan sa pader ay tumama ang ulo ko sa upuan at maging sa bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...