Chapter 56: Stop!

10K 407 53
                                    

Darious' Pov


From: Renz

Make him jealous.


Minsan lang mag-text sa'kin si Renz pero ikamamatay ko pa.

Ngunit kung tutuusin, alam niya na effective ang mga moves ko. That I'm the best person when it comes to this bullshit. Ganoon ata talaga ka-threatened ang mga lalaki sa'kin na pati pinsan ko kinakabahan na mas mapansin pa ako ng babaeng binabakuran niya.

Pero maysa-demonyo pa rin talaga si Renz. Ako ang pinain! May plano pa siyang isa bukod dito.

"Kawawa. Absenero ka naman. Pero mukhang isang taon ka mawawala."

Hayop na Matthew 'to. Pinakaba ako lalo! Bakit siya pa ang kasabayan namin ni Jin dumating sa school?

"Damay ka rin, unggoy!"

"Shet. Bukas na ba?"

"Oo. Ipagdasal mo na maganda ang kalalabasan."

"Alam mo 'pag napahamak ang nananahimik kong kagwapuhan, isusumpa ko 'yang si Renz na magkagusto sa babaeng bibigyan siya lagi ng problema!"

"Ngayon lang ako ulit sasang-ayon sa'yo. Tutal binibigyan niya tayo ng problema." Umiling ako. Nahagip ng mga mata ko ang pakay ko ngayon. I tapped Matthew's arms.

Humiwalay na ako sa kanila at sinabayan sa paglalakad 'yung babae.

"Hi, Miss Julia." I smiled. "Papasok ka pa lang? Nasaan 'yung mga kaibigan mo?"

"Kanina pa ako. Sumaglit lang sa faculty. Nasa room na mga kaibigan ko. Bakit?"

"Wala lang."

"I mean... bakit mo ako kinakausap?" Naningkit ang mga mata niya. "Kung uutang ka, wala akong pera."

Natawa ako. "Gusto lang kita kausapin tungkol sa pinsan ko. Si ate Dianne kasi nagtatanong kung kumusta siya o 'yung academic performance niya," palusot ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.

"Si D-Darren? Bakit naman ako 'yung source mo. Hindi naman kami... close. Sa iba na lang!" Halatang naiwas siya na pag-usapan si pinsan.

"Lagi ka bang pinag-ti-tripan?"

"Natumbok mo!"

"Alam mo sabi ng iba, kapag lagi ka raw pinagti-tripan, crush ka," parinig ko.

Her eyes widened a fraction. She's also blushing. Good sign 'to. Pero matik, tatanggi 'yan.

"Sinong nagsabi ha?" Umiling siya. "Huwag mo na ako kausapin about diyan."

"Sa bagay, baka nga fake news 'yan. Hindi uso crush doon. Parang sinakop na ng kadiliman 'yung puso. Mala-halimaw, 'no?"

Bigla siyang natawa. "Correct ka riyan!"

Napangisi ako. Kuha ko talaga paano mapabago mood ng mga babae. Well, I'm a good conversationalist. At iyan ang strategy ko ngayon habang ang tanging intensyon ay makita kami ng karamihan, lalo na si pinsan, na nag-uusap kami nitong si Julia.

"Pero minsan, ayos naman siya," she added, after sharing her bad experiences with Darren. Puro negatibo lahat.

Pinigilan ko na matawa dahil nasa tapat na ako ng classroom nila. Namataan ko sa loob 'yung tatlo.

'Yung dalawa, nakatingin lang. Si Darren, ayun, magkasalubong ang mga kilay, at tingin pa lang ay pinapatay na 'ko.

"Ayos?"

"Mukha mang imposible sa una, but he's improving now," Julia smiled, then showed a thumbs-up.

"Himala," tawa ko.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon