Matthew's PovMagkakasama kami nina Leader at Renz na nakatambay sa loob ng aming tree house. Dito namin dinala si Leader at mabuti na lang ay hindi na siya pumalag pa.
Nahimasmasan na siguro.
Pero ang pinagtataka ko ay kung ano ang dahilan ng pag-aalburoto niya. Hanggang ngayon ay halatang badtrip pa rin siya. Mabuti na lang at may pinagkakaabalahan siya ngayon, pati na si Renz.
"We should not let our guard down. We can't guarantee our victory over Tricky Bloods if we do not play some tricks too. So Ybañez, you need to get our things ready," seryoso at maawtoridad na utos ni Leader habang nananatiling tutok sa kaniyang laptop. Halos magkadikit na rin ang kaniyang kilay.
Langya! Nakaka-tense ang atmosphere rito. Sobrang tahimik! Hindi ko nga magawang makipagbiruan ngayon dahil masama ang mood ng aming leader.
Tumango na lang ako at pasimpleng tinignan ang cellphone ko. Shet! Ihahatid ko pa ang girlfriend ko. Mahihirapan akong magpaalam ngayon.
"Ramirez, check the background of that damn group. And purchase twelve surveillance cameras, we will be installing those inside the given location beforehand." Napakurap-kurap ako dahil parang hindi si Darren ang nagsasalita ngayon.
Pero teka? Masyado namang pinaghahandaan ang labanan ng grupo namin sa grupong Tricky Bloods. Pero hahaha! Shete! Ang baduy ng pangalan ng grupo nila!
"Copy," tipid na sagot ni Renz na tutok din sa kaniyang laptop.
"Good. Be ready on Sunday."
At may pinagkaabalahan na nga ang dalawa. Malalagot naman ako kung tatakasan ko sila. Aish!
Julia's Pov
Uwian na namin ngayon at nakatambay kami sa parking area dahil may inaantay pang reply si Kasey mula kay Matthew. Siya raw kasi ang maghahatid sa amin- na mukhang hindi na matutuloy base sa expression ng mukha ni Kasey.
"Unfortunately guys, hindi tayo maihahatid pauwi. Busy daw sila," disappointed na balita ni Kasey matapos tignan ang kaniyang cellphone.
"Okay lang iyan. Makakauwi naman tayo. Intindihin mo na lang."
"Correct! May mga paa naman tayo para lumakad pauwi. Saka may mapa ako kung sakaling maligaw tayo," sagot ni Joy na akala mo may nasulusyunan na dilemma.
"Walang kaso na hindi niya tayo maihahatid duh! Ang inaalala ko ay 'yung pinagkakaabalahan nila. I am so worried and preoccupied by the idea na baka mapahamak sila, lalo na si Baby Kupal sa mangyayaring labanan." Bakas sa tono ng pananalita ni Kasey na nag-aalala siya. Nakailang buntong hininga na rin siya magmula pa kanina.
"Anong labanan ba ang sinasabi mo?" usisa ko dahil wala akong ideya. Maging si Joy ay wala rin, "Baka labanan against the villains? Anong malay natin na part pala sila ng Power Puff Girls (boys' version) o kaya Power Rangers or Avengers!"
"Hindi sa ganoon. May high rank fights ang grupo nila Darren sa susunod na araw. Sabi sa akin ni Baby Kupal, matindi raw ang paghahanda nila dahil mataas ang rank ng grupong makakalaban nila. Ngayon daw sila nagpaplano at hindi hinahayaan ng leader nila ang kahit na anong distractions."
Ang complicated naman ng ginagawa nila.
Ang daming learn! Wala ba silang mapagkaabalahan na ibang bagay kaya kung anu-ano na lang pinapasok nilang gulo? Feeling nila assassin sila? May plano-plano pa. Kung simpleng face-off sa facebook, sparring o wrestlingan na lang ang gawin nila, edi mas madali lang sana.
"Sumama ka na lang kaya Kasey sa labanan nila?"
"Gustuhin ko mang sumama para hindi ako mabaliw kakaisip sa kalagayan ni Baby Kupal ay hindi maaari. Delikado! And for sure, hindi ako hahayaang sumama."
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...