Joy's PovNgayong araw ay igagala ko ang aso kong si Princess Chuchu. Dahil weekends naman, time ko naman para makipag-bonding sa aso ko. Nagpasama ako kay Julia sa park ng kabilang subdivision dahil malawak doon at may bazaar.
"Arf! Arf!" tahol ng aso ko at parang kiti-kiti na hindi mapakali. Excited siya gumala.
Dahil aso ko siya ay naintindihan ko ang nais niyang sabihin. Sabi niya, "Let's go to the park and play with the grass!" Dati ata siyang kabayo na nag-reincarnate hehe.
Binuhat ko na ang aso ko at nagpunta na kami sa park. Maganda ang panahon, maaliwalas at nakaka-relax. Inilapag ko ang aso ko para makapaglaro na siya.
"Gumala ka na Princess Chuchu! Mag-slide or mag-swing ka. Bahala ka. Basta huwag ka makikipag-away ha?!" paalala ko pero nilayasan lang ako ng aso ko. Snobber! Porket may lahi siyang German! Hmp!
Napadako na lang ang tingin ko sa paparating na si Julia. Kumaway ako ng todo para makita niya ako.
"Nandito ka na pala Joy," bungad niya. Minsan eng-eng din 'tong si Julia. Nakita na nga ako sasabihin pa.
"Oo. Si Kasey lang ang wala. May lakad daw sila ni Matthew."
"Saan kaya sila pumunta?" curious na sabi ni Julia. "Ewan baka nasa Antartica. Nagpapalamig lang," medyo logical na hula ko. Mainit kasi ngayon, baka nagpalamig sila.
"Imposible talaga lagi ang sinasabi mo Joy. Anyway, bili lang ako ng ice cream. May gusto ka bang ipabili?"
"Wala. Sige bili ka na, hahanapin ko muna 'yung aso ko," sagot ko kaya umalis na si Julia. Nilibot ko naman ang malawak na parke at hinanap ang gala kong aso.
Naglakad-lakad ako sa buong paligid at nakita ko ang aso kong may kalaro na batang babae. Mana sa akin iyang si Princess Chuchu, friendly hehe.
"Princess Chuchu! Kanina pa ako hanap ng hanap sa'yo! Dinaig mo pa si Dora sa paggagala!" sermon ko at 'yung aso ko naman ay lumuhod at nagpa-awa effect. Best actress of the day!
"Aso niyo po pala siya. Ang cute niya ate! Pati po ikaw," bola sa akin ng batang babae. Cute rin siya. Edi cute na kaming tatlo.
"Salamat! Gusto mo maglaro tayo? Habulan?" suggest ko at tila nagliwanag ang mga mata nung bata dahil sa tuwa.
"Talaga po? Sige po gusto ko po iyan! Ayaw kasi makipaglaro ng kuya ko. Sino po pa lang taya?" inosente niyang sambit.
"Ikaw hehe," turo ko agad sa kaniya. Alangan naman ako? Ako na nga nag-aya.
"Sige po! Takbo na po kayo," sambit niya kaya dali-dali akong tumakbo pati si Princess Chuchu ay nakigaya na rin.
Takbo lang ako nang takbo para hindi ako mahabol nung bata. Napadako naman ang tingin ko sa umaandar na sasakyan. Color pink iyon at may Hello Kitty na design. Waaaaah! Ang cute!
"Ate may bato!" sigaw nung bata kasabay nang pagkatapilok at pagkabagsak ko sa lupa.
Agad na lumapit 'yung bata sa akin at si Princess Chuchu. Inalalayan ako ng bata umupo. Waaaah! Ang alikabok ko na! Bakit kasi hindi gumilid 'yung bato?!
"Ate stop crying na po! Ay nadugo po 'yung tuhod niyo." Napatingin naman ako sa tuhod ko. May gasgas at kaunting dugo.
Mangiyak-ngiyak kong hinahawakan ang sugat ko. Samantalang si Princess Chuchu naman ay tahol ng tahol habang natalon.
Mukhang natutuwa pa siya? Bawasan ko kaya ng limang piraso 'yung dog food niya? Huwag niya akong subukan hmp!
"Ate tatatawag na lang ako ng tulong para magamot iyan. Diyan ka lang po ate," sambit nung bata at mabilis na umalis sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Gangsters (Completed)
HumorMeet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-so-good personality, girls still go crazy and admire them to the fullest--BUT, to make it fair, there...