Chapter 12: Debt

15.9K 566 66
                                    


Julia's Pov

Wala siyang nakuha na response mula sa akin. As far as I remember, we're not in good terms, never!

Tapos, bigla-bigla siyang susulpot at inaaya ako sa isang bet. Aba malupet! Ano nakain niya, pakbet?

"Thinking much?" Umangat ang isa niyang kilay habang nakatingin pa rin sa akin at nag-aantay ng sagot ko. "Just agree. Hindi mo 'to ikakamatay."

Nakapameywang ako na humarap sa kaniya. "Bawal tumawid, nakakamatay."

Kumunot ang brain cells niya este ang kaniyang noo. That's beyond his comprehension, kaya hindi niya agad gets.

"Thinking much?" gaya ko. "Wala lang iyon. Binigyan lang kita ng sakit sa ulo."

Ilang segundo siyang tumitig at bahagyang napangiwi. Iniisip ata na wala akong kwentang kausap. Well, teknik ko 'yon para itaboy ang taong ayaw kong kausapin.

"Anyway, hindi ako pumapayag. Humanap ka ng ibang bibiktimahin."

Lumapit siya sa akin at inilapag ang mga tokens sa claw machine. "Let's play and have a bet. Kung sino ang unang makakakuha ng kahit isa sa mga nasa loob niyan, panalo at masusunod ang kahit na anong ipagagawa nito sa natalo. Don't miss the chance."

Salitan kong tinignan ang claw machine at ang lalaking kaharap na mukhang may binabalak. Umatras ako at umiling.

"Wala na akong tokens. Lugi ako sa 'yo."

"I'll share these," hawak niya sa mga tokens na nakalapag ngayon. "Ang gagawin mo lang ay maunahan at matalo ako. Kung mananalo ka, say one request then I'll grant it."

"Kahit ang premyo ng pagkapanalo ko ay sampung galon ng ice cream?" He nodded. Medyo persuading ang alok niya ah.

Pero medyo suspicious. Hindi dapat ako agad-agad na pumapayag. Always leave a room for doubt. Tusong matsing pa naman ang lalaking 'to.

"At kung ikaw ang mananalo—huwag naman sana—anong hihingiin o ipapagawa mo sa akin, aber?"

"You'll apologize in public," nakangisi niyang sagot. "Iparinig mo sa lahat na nagsisisi ka na sa ginawa mo sa akin lalo na noong nabunggo mo ako at natapunan ng kinakain mo. Make it sincere."

Wow... Bukod sa nais niya akong pahiyain, nais niya rin magmukhang victim. Parang inako ko ang lahat ng kasalanan. Edi nawala ang ipinaglalaban ko noon, 'di ba?

"Doon mo iyon dapat gawin at sabihin." Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya. Hindi kalayuan dito sa Tom's World, may nagtitinda ng microphone. Puwede siya subukan at mayroon pa nga na kumakanta para sulit ang pag-try, kahit 'di naman talaga bibilhin.

Nagdalawang-isip tuloy ako. Hindi ko afford ang ipinapagawa niya kung sakaling matalo ako! Pero, napaka-tempting ng hinihingi kong premyo 'pag ako ang nanalo.

Sagot niya ang tokens. Kapag nanalo ako, may sampung galon ako ng ice cream, plus makukuha ko rin ang stuffed toy na galing sa claw machine! Shemay! Deal or no deal?

"Alam kong papayag ka. Simulan na natin." Binalingan niya na ang claw machine at pumwesto. Hindi ako lumapit dahil undecided pa ako.

Nainip tuloy siya at muling ibinalik sa akin ang atensyon habang magkasalubong ang mga kilay.

"Hindi ka pumapayag?" tanong niya, na may bahid ng pagbabanta.

"Papayag, pero sa isang kondisyon." This time, ako naman ang ngumisi.

"Sabihin mo muna... pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis."

Hindi siya agad nakaimik. Nag-malfunction ata ang nervous system.

The Heartthrob Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon